Chapter 22

7 0 0
                                    

Sinunod ko ang sabi nito. Choice kong maging masunurin kaya hindi ako nag-cutting classes ng ilang araw at nag-aral nga ng mabuti.

To be honest, ang hirap nitong ginagawa ko. I know that I am not into teaching but here I am, enduring the pain silently because I want to give my mother all the best that she deserves at the end of the day.

Napahinga ako ng malalim saka padabog na sinara iyong librong nasa harap. Nangalumbaba ako sa table at hinayaan lang ang sariling maubos ang oras sa paghihintay ng labasan ng mga estudyante.

Mag-isa ako dahil napapansin ko lately, prelim pa lang pero may iba akong kaklaseng kung makatingin sa akin ay parang punong-puno ng inggit. Like it was my fault to be beautiful?

Ano bang pakialam nila sa akin? Hindi naman nakaka-threaten ang ganda ko. Isa pa, siguro dahil iyon sa pagkakaroon ko ng mataas na marka sa quizzes.

Hindi naman kasi ako na-inform na pati sa college, may nga inggitera pa rin pala. Hindi ko na kasalanan kung pinanganak silang bobo. Lahi na nila iyon.

"Hi." Umangat ang ulo ko sa boses na narinig sa gilid. Napairap ako nang makita iyong kaklase kong panay ang tingin sa akin sa loob ng room tuwing nagre-recite ako.

Parang nerd ang itsura. Bukod sa nakasuot ng salamin, iyong pormahan niya ay talagang pormal na pormal. Iyong dating, tila may kung anong importanteng dadaluhan.

He looks nerd but his aura? It screams more like someone who's about to give you a laughter as always. Hindi naman nagpapatawa pero matatawa ka lang sa dating niya.

Nainis nga ako, eh.

Napasipol ako sa isang nakakahiyang moment dahil tumayo lang siya sa gilid ko. He didn't do anything. Mukhang naghihintay ng tunog ng kampana galing sa langit.

"Ano?" suplada kong sagot pero tumawa lang ito. Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya kalaunan. "Tangina, anong problema mo?"

"Woah. Easy lang. Hindi naman ako mananakit. I always find you alone, so I am now taking this moment to talk to you," mahinahon nitong sabi, tila nahihiya pa sa pagkausap sa akin at parang pinrotektahan pa ang sarili.

Naging tuwid na ang upo ko. I let him stand beside me. Wala akong planong paupuin ito dahil maya-maya, labasan na.

"Ano na? May kailangan ka ba?" He shook his head. Matalino ito sa loob ng room. He has this potential to be part of honor students, pero minsan, pakiramdam ko ay pinagbibigyan niya ako lagi ng chance na makasagot.

"Wala naman. Maybe I can talk with you here? Naghihintay rin kasi ako ng labasan kaya..."

"Tss. Huwag nga ako. Ang dami ng kaklase natin kaya doon ka kumausap. Wala kang makukuha sa akin kaya umalis ka na rito," suplada kong sagot. He didn't feel embarrassed about what I said, lalo na dahil nakatingin ang ibang kaklase sa amin.

Bahala siya dyan. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip tapos nandito siya at iniistorbo ako? Duh?

Nang marinig na ang hudyat ng labasan ay tumayo ako ng madalian saka pumunta sa gate. Huli na nang na-realize kong sumunod ito sa likuran ko. He also ran after me until I reached the gate outside!

Ewan ko kung anong kailangan niya sa akin at basta na lang ako nitong sinundan! Kung hindi ko ito kilala, aakalain kong silent killer itong nakatakas! Medyo nga lang hindi halata sa itsura.

"What the fuck is your problem?! Anong sinusunod mo ba, ha?! Tangina, mainit ulo ko ngayon kaya huwag kang dumagdag, sinasabi ko sa'yo!!"

"Teka lang. Hindi naman kita inaano. Maghihintay din ako ng jeep dito, uy," he explained calmly as my heart's beating so fast and I don't know what I am doing now.

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon