Chapter 10

18 1 0
                                    

The past few weeks were like a wind that immediately went out of the scene. Parang isang segundo lang ang dumaan kung kaya't pakiramdam ko ay napakadaling nangyari ng lahat.

Gaya ng kung gaano kadaling magdesisyon si Lancelot na girlfriend na niya ako. Tsk.

At dahil siya ang ulirang estudyante sa aming dalawa, siya na ang nagpasa ng output namin na ginawa. Papalabas na ako ng room, handa nang makauwi nang nagmadali rin itong lumabas.

Dali-dali niya lang na inilagay sa table iyong USB sa harap ni ma'am saka ako hinabol sa pinto banda. I was about to run fast but he caught my arm immediately, pulling me near him.

"Makahila naman 'to! Ikaw ba gumawa ng braso ko?!" inis kong saad saka hinila ang braso mula sa kanya. Nakikita ko si kuya Alex sa malayuan na nakatingin sa aming dalawa ni Lancelot.

Ugh. Issue mamaya 'to sa bahay.

"Tatakas ka na naman," mahinahon ang kanyang boses habang kinukuha ang bag ko sa akin. My forehead creased, unaware of what he's doing. Pilit ko rin namang inilalayo ang bag sa kanya.

"Oh bakit? Nangunguha ka ng bag, ah?"

Napakamot ito sa ulo saka bumuga ng malamig na hangin. Grabe. Ano bang problema nito?

"I was just trying to be an ideal boyfriend here. Wala ka namang support." This time, I crossed both of my arms and leveled my eye to him, killing him silently about his statement.

Wow. Ideal boyfriend? Big word 'yon, ah? Saan niya iyon nakuha? Saka hello? Hapon na para mag-demand pa 'to!

"Ewan ko sa'yo. Uuwi na ako kaya-"

"Teka naman," his softer voice pleaded. Medyo nagulat pa ako ng kaunti dahil sa sobrang lambot no'n, gusto ko siyang yakapin.

This is so far from his usual self. Laging mainit ang ulo sa akin tapos masyadong bossy kung magsalita. Ngayon, lalambot-lambot ang boses, nagmamakaawa na hindi ko naman inasahan sa kanya.

Shet. Para siyang umuungol in a good way.

"Gusto ka kasing makita nina Mama kaya kung pwede, sa bahay ka muna dumiretso. Uwi ka lang agad after dinner."

Kung saang lupalop nakarating ang utak ko. By hearing what he said that his parents want to meet me sent cold shivers down to my feet, almost paralyzing me. Nanlamig bigla ang kamay ko kasi nagkukunwari lang tapos hahantong sa ganitong level?

Ni hindi nga kami dumaan sa ligawan stage!

I faked a cough and cleared my throat after. Para akong lalagutan ng hininga. Aside from being the first timer, I also felt the pre-embarrassment.

Oo, pre-embarrassment. Kahihiyan bago pa mangyari ang pangyayari. Bukod doon, malakas din ang tibok ng puso ko na tila gusto ko na lang lumubog sa lupa.

I am not expecting this!

"Pakisabi, wala ako sa mood makipag-meet muna sa kanila. Sabihin mo strict parents ko. Excuse na muna," tugon ko rito bago nakaangat sa kaunting delay.

Nagreklamo nga akong hindi ko pa nakikita ang magulang niya pero ngayong nabigyan ng pagkakataon, parang gusto ko na lang isumpa ang lahat.

He sighed heavily. Pinandidilatan ko ng mata si kuya Alex na nakatitig pa rin sa amin hanggang ngayon sa malayuan. Like he's actually waiting for me to join him for going home. Ang kaso, pumipigil si Lancelot.

Parang dismayado na ewan tulog ang mukha ni Lancelot.

"Okay. Seryoso ako, Lancelot. Joke lang naman iyong sinabi ko sa'yo na gusto ko silang ma-meet. You know, hindi naman tayo official kaya walang silbi kung ipapakilala mo ako. Kung gusto mo, si Chary na lang kasi sure naman akong magugustuhan siya ng parents mo. You see, hindi ako mayaman katulad mo at wala akong maipagmamalaki," I suggested to him instead.

Summer of Eleventh of May (Juntarsiego Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon