Chapter 5: Newly-Floated Island 2

353 17 0
                                    

Bunseki's POV

Tiningnan ko ang mapa. At tiningnan ko ang nasa harapan ko.

Ito na nga...

Ang newly-floated island or rather a newly-floated city.

Nasa Uelen, Russia ako ngayon. Ito 'yung city na nasa dulong dulo ng mapa.

Kung noon, merong dagat namamagitan dito at sa Alaska, U.S.A., ngayon ay wala na dahil lupa na ang dumugtong dito.

Yes, makakapaglakbay na ang buong mundo sa iba't ibang bansa nang hindi tumatawid ng dagat.

Of course, except sa pinakamalayong kontinte, ang Antarctica, at sa mga isla na kailangan talagang tumawid sa dagat.

Mainit ang klima ngayon kaya hindi ako naka-jacket kaya naka-jeans lang ako at T-shirt.

Nag-umpisa na akong maglakad at nang pumasok ako, may kakaiba akong naramdaman.

Weird pero nagpatuloy pa rin ako.

"Okay. Let's start the investigation!" sabi ko sa sarili ko.

Kung sa normal situations, magtitinginan ang mga tao sa akin at bubulong bulong, ngayon wala dahil walang katao-tao rito since bagong city lang ito.

Naglibot-libot ako sa kapaligiran at sa kalagitnaan nitong isla, may nakita akong upuan.

Kumunot ang noo ko.

Why does this chair is in the middle of nowhere?

Saka may napapansin pa akong isa. Ni isang halaman, wala dito? Or kahit damo man lang?

Tiningnan ko ang lupang tinatapakan ko at...

Teka...

Nag-iba ang kulay, or rather, hindi na lupa ang tinatapakan ko kundi semento. Kulay ginto ang sahig.

Kaya ba walang tumutubong halaman dito?

Pero bago ako pumasok, this is still a land. I mean, walang semento dito at lupa lang.

Illusion? Ibig bang sabihin, meron ditong tao dati? At bakit? Para saan ang illusion?

Tiningnan ko ang upuan at ang upuang ito, nakasisigurado akong hindi basta ito upuan.

Ginto ang kulay ng upuan and red ang cushion nito. Sa head ng upuan, merong sun sa ibabaw nito na kulay ginto rin.

Red? Gold? This two is a symbolism of royalty kasama ng isa pang kulay, ang blue.

Pero base sa kapaligiran kong nababalutan ng ginto at sa chair na ito, may isang bagay na bumuo sa utak ko. This city is a kingdom.

Ibig sabihin, may bagong element na nabuo.

Pumunta naman akong hilaga at sa 'di kalayuan, meron akong nakitang hagdan.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ibig sabihin, sa pagpasok kong iyon, ay pagpasok ko na rin sa palasyo? So this city is one palace-kingdom?

Pumunta ulit ako sa kinaroronan ng upuan ngunit parang nag-iba.

Hindi katulad kanina, ngayon ay may mga pader na.

So this really is a palace.

May bigla nag-pop sa aking isipan.

Kung palasyo ito, for sure, meron ditong library!

Kaya hinanap ko ang library sa palasyong ito.

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon