Chapter 17: Training

163 11 0
                                    

Hydra's POV

"ANNOUNCEMENT:

There will be no classes, from now 'til next week. Train, as much as possible, because school fest is coming. Thank you very much.

Again.

There will be no classes, from.now 'til next week. Train, as much as possible, because school fest is coming. Thank you very much," Hindi ko alam kung sino ang nagsasalita pero babae ang boses.

Sa speaker kasi, ko napakinggan ang aanouncement na ito.

Napaisip naman ako...

Kung gano'n, hindi ako papasok?

Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Dean.

Of course, hindi papayag ang childhood buddy ko.

"Oo, maliligo lang ako," sabi ko kahit hindi pa siya nagsasalita.

Pumunta na nga akong banyo, naligo at nagbihis.

Matapos ng ilang minuto, I go out with shorts na above knee (pero hindi sobrang ikli), at black na t-shirt.

Umalis na nga kami sa kwarto ko and locked the door.

After a while, pababa na kami ng hagdan nang makasalubong namin si Bunseki, kasama si Ji at tila may pinag-uusapan.

Napatingin namn si Ji sa amin kaya tumigil siya sa pagsasalita at ngumiti sa amin.

Napansin iyon ni Bunseki kaya tumingin siya sa amin at medyo nagulat pero ngumiti na rin at pumunta sa amin.

"Sakto! Actually, pinag-uusapan namin kayo. It's about your magic. Hindi ko na natandaan na malapit na nga pala, ang School Fest.

"Tungkol ito sa kakayahan ninyo. Alam kong basic pa lang ang natutunan ninyo dahil kelan lang kayo dinalo dito so we have an idea to...

"Train you,"

Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi niya.

"Talaga?" tanong ko pa.

Tumango sila kaya ni-yakap ko sila.

"Thank you, thank you, thank you very much!"

"Oops, it's enough," sabi naman ni Dean at hinila ako papalapit sa kaniya.

Masyado malakas si Dean, matangkad pa kaya nahihila niya ako nang gano'n kadali.

Napanguso naman ako.

At dahil doon, nagsitawanan ang dalawa.

Napanguso pa akong lalo.

***

Nasa field kami ngayon. Though, marami na ang nagpa-practice dito, malawak pa rin ito kaya kasyang kasya ang lahat ng estudyante...

Saka as the King said 'yung ibang estudyante naman ay uwian so possible na doon na sila nagpapa-practice sa kani-kanilang tahanan.

"We have rules here na kapag mayro'ng School Fest, wala munang investigation ng two weeks. First week kasi ay for training. Second, week is for School Fest! Though, sabi nga, hindi natin alam kung ano ang mangyayari but they have their minds on their own.

Basta, hindi na muna kami magso-solve ng mysteries within this two weeks. No mysteries allowed," sabi ni Bunseki.

Kami namang tatlo ay napatango. Hindi namin ito nabasa sa rules and regulations pero tama siya. Kailangan naming mag-focus sa darating na celebration, at hindi ma-distract ng mystery solving.

"So for our training, ako muna ang magiging facilitator. Ji, Hydra, maglaban kayo. Dean, observe the two."

Tumango sila at pumwesto. Tumabi sa  kanan ni Bunseki si Dean.

"Hydra vs. Ji, FIGHT!"

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon