DISCLAIMER:Names, characters, places, events or situations are just an imaginary concept of the writer. Nothing on these chapters portrays real-life situations. Any resemblance to actual person, living or dead are just coincidental.
Plagiarism is strictly prohibited!
****
A/N: Hindi po ako magaling sa mga law terms so kung may mali po ako you can all free to correct me. Thank you.****
Prologue
"D*mn!"
Hindi ko maiwasang hindi mapamura habang naglalakad palabas ng elevator.
Katatapos ko pa lang mag-audition sa isang kilalang clothing line dito sa Manila. Naghahanap kasi sila ng mga modelo para sa mga bagong damit na ilalabas. Bukod din do'n, naghahanap din sila ng magiging mukha ng agency, center face kumbaga.
Marami ang nakasabayan kong nag-audition. May ilang dati ng modelo, mga sumasali na sa pageants at 'yong iba, mga kilalang personalidad gaya ng mga artista at international models na.
Medyo nakakahiya nga dahil ako lang 'ata ang baguhan sa lahat ng nag-audition. Kanina habang nasa stage kami, ako lang itong tatanga-tanga sa 'min. Mali-mali 'yong paglakad at pag-ikot ko. Sa tuwing ako na ang rarampa ay kita ko na agad ang salubong na kilay ng trainor at ng ilang judges. Sobrang nakakahiya talaga. Sa titig pa lang nila, alam ko ng hindi ako makakapasa. Stares speaks louder than words, kaya hindi na 'ko magtataka kung hindi nila ako kukunin.
Sabagay, ano nga namang alam ko sa pagmo-modelo? I have no formal trainings, wala akong trainor at first time ko itong ginawa. Never in my entire life that I tried this kind of job. It was my first and soon to be the last. Sa sobrang hirap at pagka-insecure, ewan nalang talaga kung susubukan ko pa ito ulit. I think, hindi na.
I sighed.
Hindi ko talaga gustong gawin ang bagay na 'to. Hindi ko kailanman binalak na sumali sa kung anumang pageants o fashion shows at hindi ko gustong ipagsiksikan ang sarili ko sa clothing line na 'to.
Avah—my best friend, made this bullshit idea. Yeah, she's the mastermind for all of it. Because of her damn dares, I obliged to join here.
Heard it right. It was just a dare. Wala naman talaga akong balak na maging model. Napilitan lang akong mag-audition dahil sa kotse ko. Kung hindi ko kasi gagawin ang dare ay magiging kapalit ang kotse ko at ayokong mangyari 'yon.
My car was not the latest model nor the most expensive one but it's important to me.
That's my first car that I've driven, na akin talaga.
Tito Sam give it to me when I passed the bar exam. Hiniling ko kasi iyon sa kaniya. Sabi ko, kahit 'yon lang, okay na bilang regalo. Gustong-gusto ko kasing magkaroon ng sariling sasakyan dahil marunong naman na akong magdrive. Hiniling ko 'yon kina Dad matapos kong maka-graduate sa college pero hindi nila ako pinagbigyan. Hindi na raw kasi kailangan dahil may kotse naman daw sa bahay na pwede kong gamitin. Masakit syempre dahil tanging 'yon lang ang hiniling ko sa kanila pero hindi pa nila ako pinagbigyan. Kaya no'ng niregaluhan ako ni Tito Sam, abot langit talaga 'yong kaligayan ko. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko no'ng time na 'yon. Masayang-masaya ako.
Sa lahat ng tito at tita ko, tanging si Tito Sam lang talaga ang pinakamalapit sa 'kin. Kakampi ko siya sa lahat ng bagay. Lagi siyang naka-suporta sa lahat ng gusto ko at lagi siyang nandito sa tabi ko sa tuwing may problema ako. He is somewhat a second father to me. Kaya kung ano man ang binibigay niya sa 'kin ay iniingatan ko ang mga 'yon, especially the car he bought for me. It has a sentimental value.
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
General Fiction"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...