Family Dinner.Chapter 2
“Congratulations, Atty. Mendoza!”
Saktong papunta ako no'n sa may garden area ng marinig ko ang hiyawan at tila nagkakasayahang mga tao roon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Mula sa 'di kalayuan ay kita ang grupo ang ng mga taong masayang nag-u-usap-usap sa harap ng mahabang mesa, sa may gilid ng pool. Halos lahat naka-formal attire, naka-coat at dress. Mistula ang mga itong professional kung pagmamasdan.
“Thank you. It's an honor for me to win “again” the case that I've been handling.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa mga ito.
Actually, I'm not comfortable to be here, especially to be with them. Kung ako nga lang ang masusunod, hindi naman talaga ako makikipag-plastikan sa kanila at hinding-hindi ako makikiharap sa kanila pero wala e, sinabihan ako ni Dad patungkol sa gagawing family dinner sa bahay namin. Bukod sa kina Mom, Dad at sa mga kapatid ko, nandito rin ang grandparents ko, mga tito at tita at ibang close relatives namin kaya binalaan ako ni Dad na pumunta rito.
Hindi ko alam kung para saan ang dinner na ito pero dahil sa narinig kanina habang papasok ako ay parang batid ko na kung para saan nga ito. It's maybe for a biggest celebration again for my sibling, twin sibling rather.
Yeah. I have a twin sister but unlike me, siya itong mas pinapaboran sa aming dalawa. Siya itong mas paborito, mas matalino, mas magaling at palaging tama sa lahat ng bagay. Everyone admires her, respect her, envy her and loves her. Almost perfect at all things that's why she's been the most favorite daughter, niece and granddaughter.
Maerille Belinda Mendoza, is her name, Maebelin for short. Katulad ko, isa rin siyang abogado. But unlike me, siya nag-aral siya sa Harvard University sa ibang bansa. She's the perfect while I'm the loser. Matalino siya at ako naman ang bobo. She's brave and stronger while I'm the weakest and dumb. She got all the positive feedbacks while I have the negative. She's the favorite while I'm the blacksheep. Gano'n kami, kahit kambal ay sobrang layo ng agwat ng personalidad naming dalawa. Hinding-hindi kami magkatulad.
“Oh, Gavin, here you are.” Masayang bati ni Maebelin sa 'kin at kinawayan pa ako ng kamay.
Natigil ang ilang relatives namin sa kanilang ginagawa at dumako ang tingin sa 'kin. Ang ilan ay ngumiti at tumango samantalang ang iba naman ay tinaasan ako ng isang kilay at nginisi-han. I can feel the coldness of there stares. I suddenly felt so awkward and unconscious. Parang nanliit akong bigla sa kinatatayuan ko.
“Hi. G-good evening.” Bati ko at pilit na ngumiti sa harap nila.
Kitang-kita ko ang mapang-alipusta nilang titig sa 'kin na kulang nalang ay ngumiwi ang mga mukha nila. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakikitungo nila. I tried to be nice and get along with them as much as I can but they're too far to be with. Lagi silang lumalayo at malayo ang loob nila sa 'kin.
“Ate Gav, dito ka na um-upo sa may tabi ko,” ani Kierra, ang bunso kong kapatid na babae. Labing-anim na taong gulang at kasalukuyang nasa senior high school.
Humugot ako ng malalim na hininga saka nagpasiyang magtungo sa kinauupuan nito.
Ramdam ko ang matatalim nilang titig sa 'kin. Pakiramdam ko, tumatagos iyon sa katawan ko. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa dibdib ko.
“Ba't ngayon ka lang?” Naka-pout na sabi ni Kierra matapos makipag-beso sa 'kin.
I forced a smile and seat beside her. “May tinapos lang akong trabaho sa office.”
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
General Fiction"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...