In disguise.
Chapter 15
“Ba't ganiyan ang ayos mo?” Kunot-noong tanong ko habang iniikutan siya. Daig niya pa kasi iyong pupunta ng masquerade ball dahil sa ayos niya.
“Hello?! 'Di ba sabi mo magdi-disguise tayo? Kaya here!” she proudly said. Tinuro niya pa ang suot niya at nag-ala Cinderella bow pa. B'wisit.
Ang sabi ko magdi-disguise kami, hindi pupunta sa masquerade party. Ang suot niya parang tanga. 'Ala Zorro ang loka-loka. P'wede pa sana kung facemask nalang ginamit niya, e, hindi iyong facemask nga pero sa mata naman. Ay ang shunga lang talaga.
“E, ikaw? Akala ko ba in disguise? Ba't naka-formal suit ka lang?” Namaywang pa siya at inikotan ako ng mga mata.
“Kasi hindi ako kasing baliw katulad mo,” sagot ko saka nagtungo sa kotse kong naka-park 'di kalayuan sa bahay nila.
Simple lang ang ayusan ko hindi katulad niya. I'm wearing a simple black shirt with a black leather jacket outside, blue jeans and a white sneakers. Naka-itim na sumbrero din ako at sa kamay ko'y may facemask na siyang gagamitin ko mamaya upang hindi masiyadong makita ang mukha ko.
Mag-a-ala akyat bahay kasi kami ngayong gabi. After kasi ng nangyari sa gusali kung saan namatay iyong biktima ay hindi na ako mapalagay. Lagi nalang akong binabagabag ng mga katanungan sa isip ko, kesyo sino 'yong lalaking naghahanap ng kwintas na nakuha ko, ano'ng mayroon sa cellphone no'ng biktima na gusto ring makuha no'ng lalaki, at ano ba talagang tinatagong sekreto no'ng Eumie bago siya namatay? Aside from, she killed, I think there's really a foul play.
“Hindi ba talaga natin isasama si, Fridge? Mas okay kung gagawin natin itong tatlo, e.” Rinig kong maktol niya habang nakasunod.
Si Avah lang kasi ang sinabihan ko patungkol sa gagawin namin. Marami na kasing iniisip ang babaeng iyon at ayoko na munang idagdag pa ito sa iisipin niya. It's my problem, buti nang si Avah nalang muna ang isama ko rito.
“'Wag na muna natin siyang idamay dito.” Maikling sagot ko saka pumasok sa driver seat.
Wala na rin naman akong narinig na pagtutol niya at nagtuloy-tuloy nalang sa pagpasok sa passenger seat.
Gusto kong maging seryoso ngunit sa tuwing nakikita ko kasi ang ayos ng babae ay parang gusto kong tumawa ng malakas. Imagine, we tried to look like an assassin, an agent and cool like a So Close leading women but here it comes, para akong may kasamang takas sa mental. Nagsuot pa talaga siya ng pang-wonderwoman na suit, naka-sleeveless shirt at 'yon nga, facemask sa mata niya. Ang siraulo!
“Nga pala sa'n tayo pupunta? Sumama ako sa 'yo pero hindi ko naman alam kung ano'ng gagawin natin.” Nakangusong tanong niya habang naglalaro ng mobile legend.
“You'll see!” sagot ko nalang at itinuon nalang sa kalsada ang buong paningin.
It's been seven thirty in the evening and I think, it's the right time I've been waiting for now.
Ayon sa nakalap kong impormasyon, walang tao sa bahay ng mga Monterro dahil dumalo ang mga ito sa isang business party. Tanging mga katulong at bodyguards lang ang naroon.
Nakakatawa nga lang dahil mabuti pa sila madaling maka-move on, pa-party-party nalang matapos ang nangyari. Sana'y lahat nalang ay malalakas ang loob na kalimutan ang nakaraan at bumangon araw-araw na wala na ang isa sa mga kasapi sa pamilya nila. Kung sa 'kin siguro mangyari iyon ay baka isang taon na'y hindi pa rin ako nakaka-move on. Siguro magpapakamatay na 'ko no'n dahil sa sobrang sakit at lungkot.
“Kaninong bahay 'to?” tukoy ni Avah sa isang bahay na hinintuan namin.
Kararating pa lang namin dito sa subdivision kung saan nakatira ang mga Monterro. Hindi naman gaanong kahigpit ang security kung kaya't madali kaming nakapasok. Medyo madilim na rin sa loob ng bahay. Tanging ilaw galing sa poste at mga ilaw sa labas nito ang nagpapailaw sa buong lugar.
![](https://img.wattpad.com/cover/284744700-288-k312513.jpg)
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
Ficción General"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...