First Kiss
Chapter 10
Take care.
Ano'ng ibig sabihin no'n? What the f*ck, I mean...bakit gano'n iyong sulat dito sa likod ng candy na binigay niya? May iba bang kahulugan iyon?
No! No! No!
Sinampal ko ng mahina ang magkabilang pisnge ko dahil sa isiping iyon.
Gavin, no! Umaasa ka na naman sa wala.
Maybe, it was a coincidence. Siguro hindi niya napansin na gano'n iyong nakasulat sa candy. Siguro naman walang ibang kahulugan 'to hindi ba?
“Hoy, Gavin-net!”
“Ay palaka ka!” sigaw ko dahil sa sobrang gulat. Parang tumakas 'yong puso ko sa dibdib ko. Shit!
“Hindi ako palaka.” Depensa ni Avah habang natatawa.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata at inirapan. “Alam mo kung may sakit lang ako sa puso, kanina pa ako humandusay dito sa sahig. Nakakainis ka.”
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. “Sorry po!” She said in sarcasm way and look at the candy on my hand. “Ano ba'ng meron sa kendi na 'yan at kanina ka pa titig na titig, huh?”
Napamaang ako at agad na itinago sa loob ng bulsa ang kending binigay ni Rex. “W-wala. P-para lang naman 'to kendi, e.”
“Kendi nga lang pero ba't nauutal ka?” Tinaasan niya ako ng isang kilay at binigyan ako ng isang mapaglarong ngiti. “May something sa kendi na 'yan, ano?”
I swallowed hard and defensively took my frappe. “W-wala nga.”
Hindi na siya nagsalita pa ngunit kita ko ang mapang-asar na ngiti sa mukha nilang dalawa ni Fridge. 'Yong ngiti at tingin nila na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. More like a smirk also.
“Ano ba?! Huwag niyo nga akong tngnan ng ganiyan, para kayong sira!” sabi ko at nagpatuloy sa pag-inom.
Tumawa silang dalawa at nag-apir. Tipong naka-tsamba sa test. Tsk.
“Wala naman kaming sinasabi, ah! Ang defensive mo,” anila.
Inirapan ko sila at sinimangutan. “Sa 'kin na naman ang spotlight ngayon, ah? I-divert niyo rin kaya kahit papa'no, ano? Ituon niyo rin sa inyong dalawa.”
“Oo na po, attorney. Kalma lang p'wede?” sarkastikong wika ni Fridge.
“Ahuh?!” I uttered and rolled my eyes.
Kung hindi ko na naman naawat silang dalawa panigurado ako na naman ang magiging topic sa pag-uusap naming ito. Buti na nga lang din at hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa kendi kasi kung sinabi ko sa kanila, aasar-asarin na naman nila ako. Panigurado rin na bubungangaan na naman nila ako. Kesyo, umasa ka na naman girl? Ano in love ka na naman? Ang rupok mo. Mga gano'n.
Hindi ko na rin siguro dapat pakaisipin ang tungkol dito sa kendi. Lahat naman ng ganitong kendi ay talagang may nakasulat na mga notes sa likod. Siguro nami-misinterpret ko lang.
“Uyst, sa weekend 'yong prank, huh!”
Napalingon ako kay Avah na seryosong nakatingin sa amin habang hawak ang coffee niya.
“Ayoko!” mariing wika ni Fridge habang nakanguso.
“Ano'ng ayaw mo?” Tinaasan niya ng dalawang kilay ang babae at pinitik ang noo.
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
Ficção Geral"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...