Dr. Chad Guerrero
Chapter 18
Nanatili kami ng ilang oras sa condo unit ni Fridge upang samahan ito pansamatala. Baka kasi kung ano ang gawin nang bruhang iyon dahil sa muntikan naming pagkakahuli kanina. Problemado ang loka.
“Thank you sa paghatid. Sa uulitin.” Ani Avah nang maihatid ko siya sa kanilang bahay. Oo, mistula akong driver ng bruhang 'to. Halos araw-araw nalang na nagpapahatid.
“Oo na, sige na po at uuwi na rin po ako.” Sarkastiko kong wika na ikinatawa na lamang niya.
Matapos na makapag-paalam ay agad na rin akong umuwi sa bahay namin. Nasa malayo pa lang at kahit medyo may kalabuan iyong ilaw na nasa may tapat ng bahay namin ay naaninag ko na agad ang isang pamilyar na pigura ng lalaki mula sa tapat ng gate. Hawak nito ang kaniyang cellphone at para bang may hinihintay na kung sino.
Hininto ko pansamantala sa may tapat ng bahay namin ang sasakyan na siya rin namang saktong paglingon sa gawi ko ni Rex. Ibinaba niya ang hawak na cellphone at pagkatapos ay naglakad papunta sa kinaroroonan ko.
Hindi naman ako iyong hinihintay niya, 'di ba?
Nanatali akong nakaupo sa driver seat habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Nasa tapat na siya ng bintana, sa mismong kinalulugaran ko at mula rito sa loob ay kita ko ang magkakasalubong niyang tingin sa akin. Problema na naman kaya nito?
Ilang segundo, matapos na pakatitigan niya ang bintana ay nagsimula na siyang kumatok dito kung kaya't kahit ayoko sana siyang pagbuksan at makausap ay wala na rin akong choice, bumaba nalang ako sa loob ng kotse.
“Saan ka pa galing?” bungad niya agad sa akin. Kanina, akala ko imahinasyon ko lang na nakakunot ang noo niya sa akin ngunit ngayon, sigurado na akong mainit talaga ang ulo niya.
“Bakit ko kailangang sabihin? Tatay ba kita?” Pamimilosopo ko na siyang agad na nagpatagis ng mga ngipin niya.
Hindi naman kasi ako na-inform na kailangan ko na pa lang ipaalam sa kaniya kung ano at saan ako nagpupunta. Para siyang body guard ko ah.
“It's already late at night. Paano kung napahamak ka sa daan?” Muling sermon niya habang masama ang tingin na ipinupukol sa akin.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Ako mapapahamak? Buti nga iyon eh, at least mawawala na ako.
Imbes na sumagot sa kaniya ay minabuti ko nalang na maglakad patungo sa gate papasok sa bahay namin. Ipa-papasok ko nalang kay Manong Guard iyong kotse ni Maebeline. Bahala na siya kung maibangga niya. Hindi naman akin 'yon.
“Saan ka pa galing? Bakit ginabi ka pa lalo?” rinig kong tanong ni Rex mula sa may likuran ko. For sure ay nakasunod siya sa 'kin.
“Wala ka nang pakialam kung saan man ako nagpupunta, Mr. Federico. Hindi kita boyfriend para magpaalam pa ako sa 'yo.” Sagot ko habang patuloy na naglalakad papasok. Ibinigay ko na rin kay Manong Guard iyong susi upang makuha na niya 'yong kotse sa labas.
“Kanina? 'Di ba muntikan ka nang mabastos?” Giit niya at bigla na lamang na hinila ang braso ko na naging dahilan upang mapahinto ako at mapaharap sa kaniya. “Kung wala ako ano?” dagdag niyang sabi.
“So what? Hiningi ko ba ang tulong mo?” pagsusungit ko. Pinilit ko rin na alisin ang kamay niya na nakakapit sa 'kin.
“Don't be so childish, Gavin. You're not even teenager. Be matured!”
“Excuse me?” Agad na napa-angat ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya. “Naparito ka lang ba para insultuhin ako?”
Wala akong panahon para sa mga pangaral niya. Ibigay nalang niya ang atensyon niya sa kakambal ko tutal 'yon naman talaga gusto niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/284744700-288-k312513.jpg)
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
General Fiction"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...