The Obedient Daughter.
Chapter 1
“Objection 'your honor. Hindi pa napapatunayan na ginahasa ng kliyente ko ang ang biktima.” Pagtatanggol ko sa kliyente ko. Tumayo pa ako upang mas maipakitang tutol ako sa inihayag ng prosecutor.
I know my rights as a lawyer and defender. I know what should I do regarding to this situation.
“Question overruled. Continue,” wika ng judge.
Tinaasan ako ng isang kilay ng prosecutor. Ngumisi rin siya bago ibinalik ang tingin sa isang lalaki na nakaupo sa witness stand.
Hindi ko napigilang hindi mapairap dahil sa ginawa niya. Umangat pa ang sulok ng labi ko at napa-ngisi rin sa kaniya.
“Akala mo kung sinong magaling. Duh. Ang pangit mo.” Bulong ko at padabog na bumalik sa kinauupuan ko.
Georgina Cuevas, ang prosecutor na sobrang bitch. We're classmates on college. Same schools din kami no'ng high school. She is one of the wannabes I know. Maarte, masungit, feeling genius at napaka-GGSS. Yeah, gandang-ganda sa sarili.
“I like her." Rinig kong bulong ng kliyente kong matanda kaya napalingon akong bigla sa kaniya.
I saw his smirking yet devilish and perverted smile towards Georgina. Pinasadahan niya rin ng tingin ang buong katawan nito mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya ng malapad saka bumulong sa body guard niyang nasa kaliwa niya. Tumango naman ito sa kaniya at napangisi rin habang nakatingin sa babae.
Napairap akong muli sa ere at suminghap ng hangin.
Isa rin 'tong matandang panot na 'to, e. Kita na ngang nasasakdal na siya, puro kamanyakan pa rin ang nasa isip niya. Naku, kung hindi lang talaga dahil kay Dad, hinding-hindi ko kukunin ang kaso niya. Bahala siyang mabulok sa kulungan.
“Sigurado ka ba na nakita mo kung sino ang gumahasa at pumatay sa biktima?” Pagtatanong ni Georgina sa lalaki. Nakatanaw ito sa may gawi namin na tila tensiyonado dahil sa hindi maipinta nitong mukha at sunod-sunod na paglunok ng laway.
“O-o....O-opo.” Nauutal na sabi nito saka nagpahid ng pawis sa sintido.
He looks so scared. Hindi siya mapakali habang nakatingin sa kliyente ko.
“Nandito ba ang taong tinutukoy mo sa loob ng room na ito? At kung nandito man siya, maaari mo ba itong ituro ito sa 'min?” Tanong muli ng babae saka tumingin sa judge at sa mga taong nanonood ng hearing.
"O-opo." Mautal-utal pa ring sagot ng witness saka bumaling sa kliyente ko. “S-siya po. Si Mr. Clemente,” Turo niya sa matanda.
Wala akong narinig na pagtutol sa kliyente ko ngunit ramdam ko ang mabigat na tingin nito sa lalaki. Umiling-iling pa siya at ngumisi.
Napa-ayos ako ng upo. Alam ko at sigurado akong may binabalak na naman ang matandang panot na 'to sa lalaki na nasa witness stand. For sure, may death note na ang lalaking iyon mula sa kaniya. Ibang klase talaga ang matandang 'to.
“That's all, Your Honor,” ani Georgina at bumalik na sa upuan niya.
Now it's my time for my questions.
It's been a long run. Gusto ko ng matapos ang hearing na 'to. Nakaka-bobo na masiyado.
Matapos akong tawagin ng judge para sa ilang katanungan sa witness ay tumayo na ako. Inayos ko ang suot kong navy blue coat at saka taas noong naglakad papunta sa harap, sa may kinauupuan ng witness.
Bago ko sinimulan ang pagtatanong ay dumako muna ang tingin ko sa dalawa kong kaibigan na nakaupo sa pang-apat na upuan mula sa hulihan, sa kaliwang parte.
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
Ficção Geral"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...