Moustaches
Chapter 3
“Here's your change, Ma'am,” sabi ng cashier habang malapad ang ngiti sa labing inaabot ang sukli sa 'kin.
Pagkatapos kong mag-walk out mode sa family dinner namin kanina ay dumiretso ako rito sa seven eleven. Dito lang kasi ako kumakalma sa t'wing mabigat ang dibdib ko, sa t'wing masama ang loob ko at t'wing malungkot ako. Bukod sa mga kabigan ko, itong lugar na ito ang nakakapag-bigay ng kapanatagan sa 'kin. Parang naging sanctuary ko na siya.
“Thank you.” Wika ko at naglakad na patungo sa isang bakanteng mesa na nasa loob ng store.
Nilapag ko sa mesa ang binili kong coke at junk foods saka naupo paharap sa transparent wall.
Madilim na sa buong paligid. Tanging mga streetlights at ilaw galing sa ilang sasakyan at establishments nalang ang nagpapaliwanag sa buong lugar.
Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko sa labas ang ilang street children na nagtutulak ng kariton. Sira-sira ang mga damit nila at halatang mga gutom na. Siguro'y labing-limang taong gulang lang 'ata ang pinaka-matanda sa kanila, 'yong mismong nagtutulak no'ng kariton at nagpapatiuna, the rest, ang babata pa.
Suminghap ako ng hangin at binitawan ang cellphone na hawak ko sa mesa.
I really can't imagine it. Is poverty really the reason why there's a lot of poor people out there? Or it just one of the hell reason? Or they just think it is? Para sa 'kin kasi hindi, e. Oo. Mahirap maging mahirap pero 'di ba? Kung mahirap na pa lang maging mahirap, bakit kailangang magdagdag pa? Puro nalang ba kapusukan ang mangunguna? Ano 'yon? Humayo kayo at magpakarami? Tangina lang, e. Yeah it was stated on the bible but shit. Ang mga nananampalataya ang ibig sabihin do'n, na dumami ang manalampalataya.
P'wede naman kasing gumamit ng mga contraceptives kapag gagawa sila ng kababalaghan kasi kawawa 'yong mga bata. Gawa sila ng gawa pero hindi naman nila nabibigyan ng tamang edukasyon at mga pangangailangan ang mga anak nila.
Teka nga. Ba't ba ako ang na-mo-roblema ro'n? Problema na ng mga magulang nila 'yon, e. Tss.
Pero seryoso. Tama naman ako, ah. Ano ba naman kasi 'yong condom, 'di ba? P'wede namang gumamit no'n para kahit papa'no hindi na maragdagan pa ang populasyon sa mundo at para mabawasan ang makararanas ng mga paghihirap at mga mahihirap. Sobrang hirap mabuhay, e, lalo na kung isa ka lang mahirap at walang pinag-aralan.
Tumayo ako at kumuha ng mga biskwit at inumin. Ipinabalot ko ang mga iyon sa cashier, pagkatapos ay nagmadali akong nagtungo sa kinaroroonan ng mga bata.
Naglalatag na ang mga ito ng mga karton sa sahig, sa gilid ng kalsada ng dumating ako. Mukhang dito na sila magpapalipas ng gabi.
“Kuya Roy, nagugutom na po ako.” Rinig kong daing ng isang batang babae habang naka-squat at hawak ang kaniyang tiyan.
“Bukas nalang. De-delinsiya ako para sa pagkain natin. Matulog na muna kayo sa ngayon. Mawawala rin 'yang gutom niyo.” Sagot ng payat na lalaki, 'yong tingin kong pinaka-matanda sa kanila.
“O-opo,” malungkot na wika ng batang babae saka nahiga sa nakalatag na karton habang hawak pa rin ang tiyan niya.
Nilingon ko ang lalaking tinawag na Kuya Roy. Nakahawak ito sa dulo ng kariton habang pinagmamasdan ang mga kasama niyang bata na nakahiga sa may kalsada. Kita sa mukha nito ang sobrang lungkot at hinagpis. 'Yong tipong, awang-awa siya sa mga bata, 'yong titig na hindi niya matanggap na gano'n ang nangayayari sa buhay nila at wala siyang maibigay na pagkain sa mga ito.
Hindi ko magawang hindi maawa sa sinapit nila. Imagine, ang babata pa nila. 'Yong dapat ay paglalaro at pag-aaral lang ang dapat sanay iniisip at ginagawa nila pero heto, nagdurusa sila. Nagdurusa sila at namumuhay ng walang mga magulang na gumagabay sa kanila. Ang lupit nga naman ng mundo.

BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
General Fiction"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...