Thoughts
Chapter 23
“Ma'am, baba na raw po kayo sabi ng mama niyo.” Rinig kong saad ni Ate Diane, isa sa mga maid, sa labas ng kwarto ko.
Pasado alas otso pa lang naman ng umaga. Sobrang aga pa para sana bumangon pero wala akong ibang choice kundi ang maagang maghanda. Ngayong araw kasing ito "raw" kami pupunta sa Subic para sa party ni Deanna. Ewan ko ba kung bakit doon pa nila gustong i-celebrate iyong birthday, p'wede naman na dito nalang sa Manila. P'wede naman siyang magpa-party sa hotel, sa bar, o, 'di kaya'y sa bahay nila. Ang dami lang talaga nilang arte, e. Kung i-donate nalang kaya nila sa mga charity ang pera nila, edi, may nakinabang pa hindi ba? Hay naku!
“Kanina pa nag-a-antay sa 'yo ang mga kasama niyo papunta sa Subic.” Bungad sa 'kin ni Mom pagkababa ko ng hagdan. Tinitigan niya rin ang ayos ko na animo'y hindi siya sang-ayon sa damitan ko. Problema na naman kaya?
I was just wearing a black maong-short, pairing with a croptop shirt. I also have my thin coat, para 'di gaanong expose ang katawan ko. Instead of sandals, I just wear a white sneakers. Hinayaan ko lang din na nakabagsak ang buhok ko since tinatamad akong mag-ayos ng buhok. It was straight though, so, hindi naman ako nagmukhang mangkukulam. Simple lang ang ayusan ko ngayon. Sobrang init ng panahon ngayon, e, and it took about 3-5 hours, I think, bago kami makarating sa distinasyon namin. Nakaka-bored ang magbiyahe pero wala akong magagawa.
“Sasabay ka ba sa 'min?” tanong ng twin evil kong kapatid habang nakalingkis ang mga braso kay Rex.
Edi wow, sila na'ng sweet.
“No. I have my own car.” Maikling sagot ko saka isinuot ang sunglasses ko at nagpasiya ng maglakad palabas.
Never akong sasabay sa kanila. Kahit pa wala akong gagamitin, hindi ko pa rin ipagsisiksikan ang sarili ko na kasama sila. Ayokong mas maging bitter. Nakakasuka lang sila.
“Gavin!” Napalingon ako sa may gate ng marinig ang pangalan ko na tinatawag ng kung sino.
From there, I saw a man wearing a khaki short, a white T-shirt and a white sneakers. Nakasalamin din siya. He's handsome on his outfit. Simple yet very class.
“Can I come in?” tanong niya habang papasok na sa gate.
“Kailangan pa ba ng desisyon ko?” Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Pumasok ka naman na ng gate namin, Francisco.”
Napakamot siya saka mahinang natawa. “At least nagpaalam pa rin.”
“Whatever.” Masungit kong sagot saka nakipag-beso sa kaniya.
“Aga-aga mong nakabusangot. Maaga ka niyang tatanda, e. Smile lang kasi.” Saad niya saka kinurot ang magkabila kong pisnge. Bwisit.
“Ang sakit!” inis kong wika saka tinabig paalis ang kamay niya sa mukha ko.
“Ang cute talaga ng baby ko.” Saad niya na agad na nakapagpa-kunot ng noo sa akin. Baby? Yuck!
“Stop calling me baby. Hindi ako bata!” saad ko but instead of hearing me out, mas lalo lang siyang dumikit sa 'kin at inakbayan pa ako.
“Chillax. Just go with the flow. May pinapa-selos lang tayo, e.” Aniya na agad kong ikina-irap sa ere.
Pagse-selosin ang trip niya. Bwisit siya. Daming alam, e.
“Ehemmmm!” Agad akong napalingon sa may likuran namin. Naroon iyong kakambal ko, si Rex at si Mom. Si Maybelline nakangising aso habang nakatingin sa 'min, si Mom naman ay seryoso ang mukha. Tinititigan niya si Franco na tila kinakabisado ang mukha ng lalaki. Si Rex naman, ewan. Hindi ko alam kung naiinis ba siya, galit o talagang fierce lang talaga siya ngayon. Sobrang nakaka-intimidate ng mga tingin niya sa 'min.
![](https://img.wattpad.com/cover/284744700-288-k312513.jpg)
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
Fiction générale"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...