Pain
Chapter 13
“Asawahin nalang kaya kita?”
Hindi ko alam kung ano'ng kabaliwan na naman ang tumatakbo sa utak ng lalaking ito. Hindi ko gusto ang tingin at ngiti niya. I know he's not serious to what he said but it's still annoyed me a bit.
“Sige ba! Basta may malaking savings ka na,” pakikisakay ko sa biro niya.
There's no reason for me to feel awkward to what he said besides, kilala ko naman kung sino talaga ang gusto niya.
Baliw na baliw ang lokong ito kay Zabryna, ewan ko na nga lang kung bakit hanggang ngayon wala pa ring improvement sa kanila. Ang hina kasi ng lalaking ito, napaka-torpe. But speaking of Zabryna, hindi ko pa nababanggit kay Franco na nagkita kami ng babae. Panigurado, huhugis puso na naman ang mga mata ng lalaking ito.
“Malaki na ipon ko. Ano? Pakasal na tayo?” natatawang wika ni Franco saka mas lumapit sa 'kin.
“Look at his stares, Gav, nakakatakot nang titig niya,” bulong niya pa.See? I knew it. Iniinis na naman niya si Rex. But as if naman na maiinis ang lalaki, e, hindi ko na naman alam kung ano'ng nararamdaman niya para sa 'kin. That kiss happened to us a week ago is nothing. Sa nakikita ko ngayong tratuhan nila ng kakambal ko, kitang-kita ko kung paano niya pahalagahan at ingatan ito. Para ngang wala lang sa kaniya iyong nangyari sa amin. Maybe, he don't care about it. It's just a kiss after all.
Rinig ko ang mahinang paghikab ng baby na hawak ko kaya nalipat doon ang atensyon ko.
Medyo namumungay na ang mga mata niya at nanliliit na rin ang mga mata niya. Inaantok na siguro.“Franco, inaantok na siya.” Saad ko sa kaniya na kasaluyan namang kumakain ng pasta.
Binitawan niya ang hawak na tinidor saka tiningnan ang pamangkin niya.
“Sleep na ang baby? Come.” Mahinhin na sabi niya habang nakalahad ang mga kamay sa bata.
Ibibigay ko na sana sa kaniya ang bata ngunit ayaw namang umalis sa 'kin nito. Yumakap ito sa akin at nagsumiksik sa may leeg ko.
Napangiti nalang ako sa ginawa nito. I didn't expect, na magugustuhan niya ako.Siguro mas comfortable siya sa 'kin kaysa sa Tito niya.
“Ako nalang ang hahawak. Ayaw na sa 'yo, e,” I said with a smile.
“Ano pa nga ba. Ikaw na ang paborito, e.” Nakangusong sabi niya.
Napailing nalang ako saka hinaplos ang likod ng bata upang makatulog na ito. It's been six thirty in the evening that's why she's sleepy. Antukin naman talaga ang mga bata.
“Gosh! I'm really sorry, Franc'. Kaaalis lang kasi ng client ko. I'm sorry for making you wait.”
Umangat ang tingin naming lahat sa nagsalita. From there, I saw Ate Vicky walking towards us. Tila nagmamadali at tensyonado siya base sa kilos niya. Nasa higit tatlumpong taon na siya pero parang twenty one years old pa lang siya. Timeless beauty and no expires. Hoping all nalang!
“God! I didn't know na may get together pala kayo. I'm sorry for interrupting.”Muli niyang saad ng makita kaming lahat. Napatingin din siya sa anak niya na kasalukuyang natutulog na sa mga bisig ko. “Oh, my baby!”
Kinuha na niya sa akin iyong bata at siya na ang kumarga. Tumabi siya sa kapatid niya saka bumaling sa 'kin at walang boses na nagbitaw ng salitang “thank you”. Napangiti naman ako at tumango nalang sa kaniya.
“I really want to have a dinner with you guys but it's getting late. I need to bring my baby home.” Ani Ate Vicky na ngayo'y nakatayo na.
“No problem. Maybe next time, I guess?” wika ni Maebeline.
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
Fiksi Umum"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...