Note
Chapter 6
“Ano 'to?!”
Kakapasok ko pa lang sa opisina pero bulyaw na agad ni Dad ang bumungad sa 'kin.
Naka-tukod ang isang kamay niya sa baywang at ang isang kamay naman ay may hawak na papel. Nanlilisik ang mga matang nakatingin siya sa 'kin.
I knew it. Malalaman at malaman niya talaga ang kagagahang pinagga-gawa ko. Lagot na.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa personal desk ko kahit parang nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa kaba. Nakita ko pang ngumiwi si Daye sa 'kin, ang intern at kasalukuyang assistant ko.
“Aren't you going to defend it?!” bulyaw muli ni Dad. Halos bunganga lang nito ang maririnig sa buong opisina, kung hindi rin siguro sound proof ang silid na ito ay baka umabot ang boses nito sa kabilang floor.
Nangangamba ko nalang na tiningnan si Dad at saka napalunok ng laway. Ibang-iba kasi ang mga titig nito, e, nakaka-pangilabot.
“T-that was just a d-dare, Dad.” Mautal-utal kong sabi.
I see how his brows furrowed. “Dare?! What are you? A fucking child, huh? That's stupid!”
Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko dahil sa kaba.
Kilalang-kilala ko si Dad kapag nagagalit. Kulang na lang magmukha siyang dragon na bumubuga ng apoy. He's freaking creepy.
“D-dad, I...I-m not going to be a model—”
“Well, you better not 'cause once I found out that you pursue that kind of job, you better leave my house!” singhal niya at tinalikuran ako.
Huminga ako ng malalim at mariing napa-pikit.
Nakakatakot talaga siya kahit kailan. Para akong nakikipag-usap sa isang buwaya na ready ng manlapa ng bibiktimahin niya. Shocks!
Umikot na ako paharap sa table ko at akma na sanang uupo ngunit narinig ko na naman ang boses ni Dad kaya dali-dali akong tumuwid ng tayo at bumaling sa kaniya.
“Po?” I uttered.
Nilahad niya sa 'kin ang isang makapal na folder habang masama pa rin ang mga tingin. “Review that papers 'cause that will be your next case to be handle.”
Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. “I will, Dad.”
Hindi na ako nito sinagot at nagtuloy-tuloy ng lumabas ng opisina.
I feel something relieve.
Ang aga-aga, ganito ang bubungad sa 'kin. Ang galing!
“Early mass!” Natatawang wika ni Daye habang papalapit sa table ko na may dalang dalawang Starbucks coffee.
“Yeah! What's new about that?” sagot ko at naupo sa swivel chair. Isinandal ko sa headrest ng upuan ang ulo ko saka pina-ikot-ikot ang upuan.
“Coffee mo, Ma'am!” Aniya at naupo sa upuan na nasa harapan ng mesa ko. “Kapag po ba nasa bahay kayo, palagi po bang may trial sa inyo?”
Hininto ko ang pag-ikot sa upuan at saka siya matamang tiningnan. “Hindi lang trial. On prosecution na agad.”
Natawa ito sa sinabi ko.
“Grabe! Nakakatakot pala.”Tumango nalang ako saka inabot ang kapeng binigay niya.
Nakakatakot naman talaga sa bahay namin, e. Para iyong supreme court na laging naglilitis at si Dad ang judge.
“But seriously. Nag-audition ka talaga bilang model?” tanong nito kaya napatingin ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Blacksheep Series #2: The Obedient Daughter
General Fiction"I don't have the rights to disobey them. I should always follow." **** Garrett Vinze Mendoza a.k.a Gavin, a 23 years old, and a lawyer. She came from a family of lawyers and well-respected family on their town. Everyo...