The Deal

25 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas ng malaman ko ang balita na maraming taon ng wala sa Pilipinas at ngayon ay babalik na siya sa bansa.

Hindi ko na namalayan ang mga nangyayari sa paligid

Miski ang estado ng relasyon ng kapatid ko na si Mae at ng kaibigan ko na si Savior.

Ang babae na nagngangalang Airi at kung ano ang relasyon nito kay JG.

Ganoon ba ako katagal nagmukmok sa pagkawala ni Mariella?

Na hindi ko man lang namalayan na habang nakatigil ang mundo ko sa nakalipas eh patuloy pala na tumatakbo ang mundo para sa hinaharap.

Tumunog ang telepono ko ng matapos ko ang lahat ng gawain ko sa opisina.

"Hello?"

[ "Ang akala ko ba'y kailangan mo ang tulong ng kompanya namin para sa pagpapaunlad ng sa inyo Giovanni" ]

Napaayos ako mula sa pagkakaupo ko ng marinig ko ang boses ng tumawag.

Si Mr. Richardo Cheng.

"O-opo sir--

Hindi ako pinatapos nito sa pagsasalita.

[ "Kung ganoon? Ano pang ginagawa mo diyan?" ]

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya

Wala akong ideya kung ano ba ang sinasabi niya sa akin.

"S-sir?"

[ "the deal Giovanni.. Sinabi ko sayo na papayag ako basta magawa mo ang kasunduan natin" ]

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang napagkasunduan namin ni Mr. Rick

"Ah o-opo pero--

Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin.

Paano po ang anak niyo?

Siya si Mariella.

[ "Ngayon ka pa ba aatras kung kailan napaghirapan mo na? Nasimulan mo na?"]

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Parang double meaning.

Posible kaya na may alam siya?

Pero.. Bakit niya ipapagawa sa akin ang bagay na iyon kung may alam siya.

[ "Kung interesado ka pa.. Hihintayin kita sa bahay.. Aasahan kita Giovanni" ]

Matapos niyang sabihin iyon eh ibinaba na niya ang telepono.

....

Nasa harapan ako ngayon ng bahay ng mga Cheng.

Paano ako papasok?

Paano kung nandoon siya?

Anong una kong sasabihin?

Bumaba ako ng sasakyan at nagdoorbell.

Pinagbuksan ako ng isang babae at pinapasok sa loob ng bahay.

Agad akong kinamayan ni Mr. Rick.

"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako bibiguin"

Bungad nito sa akin.

Ngumiti ako dito pero napawi ang ngiti ko ng may makita ako na may pababa sa hagdan.

"Dad who is that? Is that my---

Naputol ang sinasabi nito ng makita niya ako.

Napawi ang ngiti niya ng makita niya ako

"Andrea, Iha si Gio---

Pinutol nito ang sasabihin ng kanyang ama.

"I know him enough Dad.. What is he doing here?"

Malamig ang pagkakasabi nito sa bawat salita.

"Anak... Nandito siya para sa---

"I don't want to see him.. Please tell to your visitor Dad that he must leave"

Nakatingin lang ako sa kanya.

Bawat salita ng pagtataboy gumuguhit sa akin na parang talagang ayaw niya akong makita.

Napabuntong hininga si Mr. Rick sa sinabi ng kanyang anak.

"O ang aga-aga bakit ang sungit nanaman ng kapatid ko?"

Sigaw ni Rafael mula sa itaas.

Inakbayan nito ang kapatid siguro'y hindi pa ako nito napapansin.

Tumingin si Rafael sa pinupukulan ng tingin ng kanyang kapatid.

Nawala ang ngiti nito.

"Giovanni Sebastian Vasquez"

Banggit nito

"Dad?"

Tanong nito sa ama.

"Andrea.. I can't do that"

Sabi ni Mr. Rick sa anak na napakunot ang noo.

"W-why?"

Puno ng pagkabigo ang boses ni Mariella.

"Because our company and their company will unite soon"

Nanlaki ang mga mata ng magkapatid.

"Dad---

Naputol ang sasabihin ni Rafael sa kanyang ama ng magsalita si Mariella.

"Why Dad? Why? Our company can stand alone without their help"

"Anak.. We need to socialize with them"

Napabuntong hininga si Mariella matapos niyang marinig iyon.

Tumalikod siya sa aming direksyon.

"Okay fine. But make sure that they can socialize with Kuya Hanz company"

Maglalakad na sana ito ng magsalita ang kanyang ama.

"No Andrea.. They have to socialize with YOUR company"

Napailing ang ulo nito ng hindi lumilingon sa kanyang ama.

Nakita ko na ikinuyom nito ang kanyang kamao.

Naglakad na siya palayo.

"Andrea!"

Sigaw ni Rafael pero hindi nagpa-igting si Mariella sa pagtawag ng kanyang kapatid.

Susunod na si Rafael sa kanyang kapatid ng magbilin ang ama.

"Son.. Please talk to Andrea"

Lumingon si Rafael sa ama.

Pero pinukol niya sandali ang kanyang tingin sa akin.

Umiling siya sa di ko malaman na dahilan.

"Dad hindi ko kaya, kaya kung pwede wag niyo na lang ituloy ang gusto niyong mangyari kung ayaw niyong mawala ulit siya sa atin"

After saying those words Rafael left.

Humarap sa akin si Mr. Rick

Ngumiti ito.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang pumayag pero I know your the only person who can change her.. Please h'wag kang umatras ng dahil sa ayaw ng anak ko"

Bumuntong hininga ako sa kumpirmasyon ni Mr. Rick na wala siyang ideya kung bakit ayaw na ayaw sa akin ng anak niya.. Ng mga anak niya.

"I will talk to her.. I will assure you na mabago mo lang ang anak ko ay papayag ako sa inaalok ng kompanya niyo sa kompanya namin.. I belive in you Giovanni.. Im giving you all my trust"

Tinapik nito ang balikat ko.

"I will make this things possible sir"

Tumingin ako sa lugar kung nasaan si Mariella.

"Im going to bring her back"

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon