White Ceiling

20 3 0
                                    

Nagising ako sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. May malaking bahay sa harapan ko. Sa bahay na iyon may lalaking nakatayo. Lumapit ako sa kanya.

"Gio" bulong ko sa kanya

Hahawakan ko sana ang pisngi niya pero bigla siyang nagsalita.

"Patawad pero kailangan na natin maghiwlay!"

Nararamdaman ko na ang paglabo ng paningin ko.

Bago pa ako makapagsalitang muli naglakad na ng palayo sa akin ang lalaking iyon.

Tumakbo ako ng tumakbo. Pilit kong hinahanap ang lalaking nagpa-abnormal sa tibok ng puso ko.

Takbo lang ako ng takbo habang isinisigaw ang pangalan niya. Kasabay noon ang pagtulo ng luha ko.

Hanggang sa naramdaman kong nadapa ako. Ang daming dugo sa tuhod ko.

Umiyak ako sa sakit hindi dahil sa sugat sa tuhod ko kundi dahil iniwan na ko ni Gio..

"Yella, nanaginip ka gising, nandito lang ako" Ayan ang naririnig ko ngayon. Ang boses ng lalaking sinaktan ko. Si JG ramdam ko sa mga salita niys na nag-aalala siya para sa akin.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko.

Una kong nakita ang isang puting kisame.

Isang puting kisame na animo'y tinitingnan ako kung okay lang ba ako.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaliwabg kamay ko kung saan may nakatusok na karayom at tubo na papunta sa isang animi'y plastic na may tumutulo ng patak ng tubig.

Ang unang pumasok sa isip ko

Ay nasa hospital ako.

Bumuntong hininga ako. Para akong nakahinga ng maluwag ng mapagtanto ko na panaginip lang pala ang mga nangyari sa akin kanina. Kung saan takbo lang ako ng takbo para mahanap si Gio.

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" Tanong ko kay JG habang nakatingin ako sa kanya hawak niya ang cellphone niya.

"Inalam ko sino ang boyfriend na sinasabi mo"

"At?"

"Pinabackground check ko siya"

I just rolled my eyes on him.

Nakalimutan ko na kapag may gustong alamin ang isang Jasper Gabriel Tan. Gagawin niya ang lahat para malaman niya ito.

"Papunta na ang mga kaibigan mo at tita dito"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang yun.

Binato ko siya ng ponkan habang patuloy pa rin siya sa pagtetext.

"Aaww! Ano ba?"

"BAKIT MO SINABI SA KANILA NA NANDITO AKO!!!" Singhal ko sa kanya.

"Bakit sa tingin mo ba maitatago mo sa kanila ang ganyang kaitsurahan mo? Sa tingin mo ba maitatago mo sa mama mo na ang nanay ng Boyfriend mo ang may gawa sayo niyan?"

"Pa..pano mo nalaman na si----

"Kay Mae, sumunod sila ng Boyfriend mo" pacool niyang sagot.

"S-sumunod siya?"

"Oo. Pero tiningnan ka lang niya"

Akala ko naman nandito siya.

Dumating ang mga kaibigan ko pero wala si Mae.

Tinanong nila ako junf sino ang may gawa nito sa akin pero hindi naman nila ako pinilit na sabihin ang sagot.

Si JG nandito pa rin siya sa kwarto ko.

Hindi niya ako iniiwan. Ewan ko ba diyan? Pero nung napansin kong hindi siya umaalis nakaramdam ako ng kaligtasan sa piling niya.

Dumating na rin ang mama ko.

At syempre binungangaan niya ako.

Hindi siya nagsasalita tungkol sa ina ni Gio kahit alam kong alam na niya na nanay ni Gio ang may gawa nito sa akin.

Ganion kasi si mama hindi niya dinadaan sa init ng ulo angga ganitong bagay.

Alam ko namang pag si JG ang kasama ko huwag mong aasahan na ititikom niya ang bibig niya para sa isang sikreto lalo na kung mga ganitong sitwasyon.

Pumasok ang doktor sa kwarto ko.

"Hi, Im Dr. Marco, pinapunta ako ng mga Vasquez dito upang tingnan ang kondisyon mo"

Nagtanguhan naman kami.

Sinabi niya na buti daw ay nadala ako agad dito sa ospital kung hindi daw iyon na gawa agad malamang ay mas magtatagal ako dito sa kwartong ito.

Baka daw magkaroon pa ko ng infection

Binendahan na nila ang paa ko at nilagyan ng gamot ang pumutok kong labi.

Para akong nakipag boxing sa 10 Manny

Pacquiao tapos pagkabukas ng lahat ng sugat ko pinagswimming ako sa swimming pool na may halomg sandamakmak na asin.

Hindi ki muna inisip ang mga nangyari sa bahay na iyon.

Tsaka ko na iisipin yon.

Iisipin ko muna ang sarili ko para naman makabalik ako agad sa pag-aaral mahirap na kapag nalate ako sa mga topics.

Oo priority ko pa rin ang pag-aaral sa kabila ng lahat ng ito.

Hindi pa ako kinausap ni mama tungkol sa nangyare.

"Mag-uusap tayo kapag nakalabas ka a dito" yan lang ang tanging sinabi niya sa akin.

Kasalukuyang mag-isa ako ngayon sa kwarto si mama kase pinauwi ko na, si JG naman bumiki ng pagkain.

Lubdub. Lubdub.

Bumibilis ang pintig ng puso ko habang nakatingin ako sa puting kisame sa itaas.

Nababaliw na talaga tong puso ko.

Kailangan ko na atang ipatingin din ito.

Dahil bukod sa masakit ang katawan ko Masakit din ang isang parte ng katawan ko.

Ang minsan lang pumintig ng mabilis ng dahil sa Lalaking iyon.

Ang puso ko.

"Puso wag ka munang mapapagod ha? Hindi mo pa alam ang dahilan niya. Kapit lang tayo ng mahigpit ha? Manalig tayo sa sinasabi nilang PAG-IBIG"

[ alam ko maikle haha. Yan muna HAPPY HUMAN RESOURCE DAY :D
hi kay Juvynell ]

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon