Reunion

20 2 0
                                    

[ I just like to inform you na this story is just starting marami pang aabangan at dapat abangan. Isa lang ang masasabi ko walang Assurance ang lahat ng bagay ]

Pagkatapos ng "Bonding" thing namin nila Kurt at Belle ay naging normal na ang takbo ng araw ko.

At Hindi na kami ganoon kadalas magkita ni Gio.

Bukod sa busy ako sa pag-aaral ko eh busy din siya sa pagpapatakbo ng school.

Pero sinisigurado naman namin na kahit hindi kami ganoon kadalas magkita eh nagkakausap naman kami.

Hindi man sa personal atleast nakakamusta namin ang isa't-isa at higit sa lahat napaparamdam namin na mahal namin ang isa't-isa.

"Marami ka bang nasagutan sa exam natin Yella?"

Tanong sa akin ni Mae habang naglalakad kami palabas ng university.

Tumango ako sa kanya bilang sagot

"Sabay ka na sa akin, hatid kita sa inyo"

"Nako wag na mamamasahe na---

"But I insist"

Inirapan ko siya.

"Well it runs in our blood" kibit balikat nitong sabi.

"Yeah. Vasquez, ganyang-ganyan din ang kuya mo"

We both giggled. To think na may pagkakaparehas sila ng ugali ng kuya niya ay isang nakakatawang bagay

Ng nakita na namin ang chevy ni Mae na kulay pink eh agad niyang tinanggal ang alarm nito at pinatunog para makapasok kami.

Papasok na kaming dalawa ng sasakyan ng may nagsalita.

"I don't like sharing whats mine City"

Napatingin kami sa nagsalita at nakita si Gio sa di kalayuan sa aming pwesto nakasuit at shades siya at kita dito ang ngisi niya sa kanyang labi.

Tiningnan ko ang kabuuan niya mula ulo hanggang paa at wala akong magawa kundi ang lumunok.

Napakahot niya sa itsura niya.

Well actually araw-araw naman siyang hot at gwapo kaya Keri na ren

"Pakitandaan na una ko siyang nakilala kaysa sayo"

"Really? Iginigiit pa ba yang mga ganyang bagay?"

Natatawang sabi ni Gio sa kapatid niya.

"Hell yeah. Ako ang kasama niya ngayon kaya maghanap ka ng ibang kasama mo... Yella Get inside"

Utos sa akin ni Mae.

"No. She's comming with me"

Sumeryoso na ang Boses ni Gio na siya namang ikinatigil ni Mae sa pagpasok sa sasakyan niya.

"Seriously?" Tanong ni Mae sa kapatid niya.

Tinanggal ni Gio ang kanyang shades

"Yeah.. We will meet mom at the Hotel. You wanna come?"

"Uh.. I think Im not"

Malungkot na sabi ni Mae.

"Go Yella, sumama ka na kay Kuya.. But make sure na next time eh may oras ka para sa bonding nating dalawa kay?"

Tumango ako dito.

Naramdaman ko ang paghapit ng kamay ki Gio sa bewang ko at kinuha niya ang bag at libro na hawak ko.

Sumakay si Mae sa chevy niya at pinatunog nito ang makina.

Bago niya paandarin ang chevy eh binaba niya muna abg bintana.

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon