Ganda & Gwapo Bonding

36 2 0
                                    

Mariella's POV

Hindi ako mapakali na naghihintay sa sasakyan ni Kurt.

Ilang beses kong tinangkang tingnan sila o di kaya'y kahit silip man lang sana eh magawa ko.

Pero sa huli eh mas pinili kong maupo dito at hintayin na lang pagbalik ni Kurt.

Biglang bumukas ang pinto ng kotse at pumasok si Kurt.

Seryoso at walang emosyon ang itsura niya, ni hindi ko mabasa ang kanyang mga mata.

Hindi siya lumilingon sa akin kaya hindi niya siguro mapansin na nakatingin lang ako sa kanya.

"Easyhan mo lang ang pagtitig may mamaya pa!"

Mayabang na sabi ni Kurt.

Sa sobrang gulat ko na napansin niya pala na nakatingin ako sa kanya eh biglabg pumula sa hiya ang mukha ko

Ganoon ba ko katagal na nakatitig sa mukha niya?

Tumingin ito sa akin habang kitang-kita ko ang ngisi sa labi niya.

"Ang-ang k-kapal mo ah!"

Utal-utal kong sabi sa kanya 

"Pss. Nahiya ka pa aminin mo na na kinikilig ka pag nakikita mo ko at nagagwapuhan ka saken"

"Aba! Sa tingin ko Kurt di na natin kailangan pang mag aircon kase sobrang hangin dito sa loob ng sasakyan mo!"

He burst in his laughter when I finish my sentence.

What the hell is happening ni hindi ako nag joke para tumawa siya ng sobra.

Kumunot ang noo ko ng hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa.

"Okay I stop, masyado kang pikon chill"

Pagkatapos nitang sabihin yon eh pinili ko na lang na tumingin sa bintana.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko.

"Hello?"

Hindi nagsalita ang tumawag sa akin.

Tiningnan ko ang caller i.d pero numero lang ito at hindi naka save sa cellphone ko.

"Hello?" Ulit ko.

Isang buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya.

"Sino ka ba---

"Magpakasaya ka na dahil hindi lahat ng bagay eh habang buhay na magiging permanenteng ng nasa iyo"

"Miss?"

Biglang ko na lang narinig ang dial tone matapos niyang sabihin yon?

Sino siya? At anong gusto niyang sabihin?

"Hey is there something wrong?"

Alalang tanong ni Kurt. Umiling na lang ako bilabg sagot.

Pinaandar niya ng kotse, tahimik kaming dalawa hababg bumabiyahe tanging ang hilik lang ni Belle ang naririnig namin.

Hindi ko alam kung bakit simula kanina eh hindi maalis sa isip ko kung anong pinag-usapan ni Kurt at ni Gio at idagdag mo pa ang tumawag sa akin na babae kanina na animo'y may gustong iparating dahil sa sinabi niya.

"Hmmm"

Narinig namin ang isang ungot mula sa likod ng kotse.

Tumingin si Kurt sa likod na bahagi gamit ang rear view mirror.

"Ako na Kurt" sabi ko dito para hindi na siya maistorbo sa pagdadrive.

Tumango naman ito at ipinagpatuloy na lang ang pagdadrive.

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon