Im sorry

26 3 2
                                    

Pumasok na ako sa bahay ng hindi naaalis amg mga ngiti sa labi ko.

"Mabait siya at sigurado akong mapagkakatiwalaan din siya" bungad sa akin ni mama.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Kitang-kita ko sa mga mata niya na gustong-gusto ka niya at mahal ka niya"

Muling nagsalita si mama.

"Posible ba ma, na mahalin at magustuhan mo ang isang tao na kahapon mo lang nakilala?" Tanong ko kay mama.

Lumapit siya akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Walang imposible sa pag-ibig.Anak"

"Pano niyo po nasabi ma?" Tanong kobsa kanya.

"Kung walang imposible sa pag-ibig sa tingin mo ba? Mahal ko pa rin ang papa mo kahit 10 taon na siyang patay?"

Oo nga no, hindi ko man lang naisip yon.

Na lahat ng bagay basta sinamahan ng Love walang imposible.

Nag ngitian na lang kami ni mama.

"Matulog ka na"

"Salamat mama, good night" *tsup*

"Good night anak"

Umakyat na ako sa kwarto ko at naglinis ng katawan.

Humiga ako sa kama ko habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Hinihintay kong tumawag si Gio.

Nagsoundtrip muna ako. Para naman hindi ko isipin ng isipin ang mga posibilidad na may masasaktan sa pinaggagagawa ko at lalo na sa nararamdaman ko.

Teka 11pm na ah. Bakit hindi pa nagtetext si Gio? Ano ng nangyari doon? Hindi pa siya tumatawag? Hala? Mababaliw na ko.

Tinawagan ko na ang number ni Gio pero ang Lalakeng yon hindi sumasagot. Nakailang missed calls na ba ako? Hindi ko na rin alam kung ilan?

"Bahala ka sa buhay mo bwiset ka!!"

Nakatulog na ako ng bwiset na bwiset sa Gio na yun.

Pagkagising ko. Nganga mga kaibigan walang Gio na nagparamdam sakin

Sinundo ulit ako ni JG. Wala namang nangyaring espesyal bukod sa ang feelingero pa rin talaga ni JG.

Lumipas ang mga oras at NO SIGN OF GIOVANNI SEBASTIAN TALAGA MGA PRENDS.

BWISET LANG TALAGA OO.

"Ms. Perez, pinapapunta ka ni Mr. Vasquez sa office niya." Sabi ng schoolmate ko.

Naglakad ako papunta sa office niya.

Ano nanamang problema niya?

Ah. Basta galit ako sa kanya. Bwiset siya.

*tok**tok*

Kumatok ako sa pinto niya

At pinihit ko ang door knob nito.

Nakita ko ang lalaking iyon na dahilan ng tibok ng puso ko. Lubdub.Lubdub.

Nakaupo siya sa swivel chair niya at nakatalikod siya sa direksyon ko.

"Please take a sit" nagsalita siya. Pero nakatalikod pa rin sa akin.

Umupo naman ako sa upuan sa harap niya.

Umikot siya sa direksyon ko at nakikita ko na ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Hoy Yella galit ka sa kanya tandaan mo.

"Mariella...."

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon