BestfriENEMY

58 1 0
                                    

[ This Chapter ay POV ni Doctor Kurt Marco, pa-support (; ]

Kurt's POV

Tulad ng nasabi kanina mag-uusap kami ni Giovanni ng Pribado, sarilinan at usapang lalaki sa lalaki.

Hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan namin kung tungkol ba sa Girlfriend niya. O tungkol sa alitan namin.

Oo matagal na kaming may alitan ni Giovanni pero miski minsan ay hindi nin sinubukang ayusin ang bagay na yon.

Naglakad kami sa malayo ni Giovanni sa lugar kung saan hindi kami makikita ni Yella. Sinusundan ko lang siya.

Habang ang mga kamay ko eh nakalagay sa bulsa ng shorts ko.

Walang umiimik sa aming dalawa.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

"Leave my Girlfriend alone" seryosing sabi nito habang nakatalikod pa rin sa direksyon ko.

Binigyan ko lang siya ng isang ngisi bilang sagot sa pahayag niya.

Ng marinig niya iyon ay bigla niya kong hinarap ng walang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha.

"I. SAID. LEAVE. US. ALONE." Muling pahayag nito pero hindi na sa kalmadong tono.

Parang punaparating nito sa akin na hindi iyon isang pahayag pero ayon ay isang utos mula sa kanya na wala akong ibang pagpipilian kundi ang sundin siya.

Sa pangalawang pagkakataon eh isang ngisi lang ang natanggap niyang sagot mula sa akin.

Nakita ko na nagkuyom siya ng kamao tila pinipigilan nito na magpakawala ng galit.

"At anong gagawin mo kapag ayokong layuan si Mariella?"

"I will fvcking send you to hell man"

Malamig nitong sabi.

"Huh! Ano kayang mararamdaman ng isang Giovanni Sebastian Vasquez kapag nawala ang babaeng pinakamamahal niya?"

Pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon ay agad niya kong sinugod at marahas na hinila ang damit ko.

"Fvck. SHE'S MINE SO BACK OFF!"

"Baket? Nararamdaman mo na ba ang naramdaman ko ng panahong naging kayo ni Xaila ha? Giovanni?"

Alam kong handa na siyang suntukin ako pero pinipigilan niyang gawin iyon.

"JUST. BACK OFF!" sigaw niya sa akin.

Sinuntok ko siya ng malakas matapos niyang sabihin iyon.

Napaupo siya sa Sahig habang hawak ang panga niya na sinuntok ko.

"Anong karapatan mong sabihin sa akin yan? Ang akala mo ba susundin ko ang utos mong iyan? Baket nung sinabi ko sayo na Layuan mo si Xaila? Anong ginawa mo? Alam mo na kami ni Xaila pero niligawan mo siya. At ang malupit doon iniwan niya ko Kasi daw mas mahal ka niya!"

"Fvck. Is it still about her ha?" Galit na sabi nito habang hawak pa rin ang panga niya.

"Oo Gio! Ipaparanas ko sayo kung pano ako naging miserable ng iwan ako ni Xaila. Ipaparanas ko sayo bawat sakit, Ipaparanas ko sayo kung gano kasakit na hinahalikan ang taong mahal mo sa harapan mo at Ipaparanas ko sayo ang iwan ng taong mahal mo para sa iba. Gago ka!"

Sigaw ko sa kanya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at binigyan ako ng malakas na suntok na siya namang naging dahilan ng pagsalampak ko sa lupa.

Natawa na ako ss reaksyon niya.

Alam kong kanina niya pa pinipigilan ang pagkawala ng MABANGIS NA GIOVANNI sa pagkatao niya.

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon