The New School Owner

28 2 0
                                    

Nagising ako,kinabukasan. Napuyat ako ng dahil sa pervert na yon.

Ano ba kasing nangyayare saken? Aurggghhh.

Ayoko ng ganitong pakiramdam.

"G-Gio"

hindi ko namalayang nabanggit ko na pala ang pangalan niyang yun.

Lubdub.Lubdub. hoy puso ayan ka nanaman ha? Puyat lang ako kaya ganyan ka kung makatibok.

At dahil nakaligo na ko. Bumaba na ko para makita ko naman ang Top 2 na pinakamagandang babae sa buong mundo, sino top 1? Syempre ako. Wahaha.

"Good Morning Ma!" *tsup*

Hinalikan ko si madir sa pisngi.

"Good Morning anak, sige kumain ka na ng makapasok ka na"

Kumain naman ako syempre, busog na busog nga ako eh.

The best kasi magluto tong madir ko.

Tumayo na ko para kunin yung bag ko.

"Ma,alis na po ako. Ingat po kayo dito"

"Ingat ka din anak, mag-aral lang mabuti"

"Yesss maam! Hihi"

Pinihit ko na yung door knob nung biglang.

"GOOD MORNING TITA GOOD MORNING YELLA KO!"

si Jg sumulpot sa labas ng bahay.

"Oh good morning Jg"

sagot ni madir

Tinaasan ko naman ng kilay si JG

"At anong gi-----

"Good morning din, lika na pasok na tayo, tita una na po kami iingatan ko po tong anak niyo at iuuwi ko po ng buo hihi"

"Sige ingat kayo"

Bakit ka pumayag madir na ihatid ako nitong JG na to?

Hindi naman sa ayaw ko siyang kasabay guato ko nga kasabay ko siyang pumasok eh. DATE kaso ngayon naguguilty na ako dahil hindi ko talaga masuklian ang pagmamahal niya sakin.

"Wag mong isipin yun...Mahal ka nun"

Tulala pala ako habang naglalakad kame.

Teka holding hands kame????

"Uhhmm? JG yung..yung kamay ko"

"Saglit lang to Yella, please naman"

"Uhmm.. Sige"

So ayun. Naglakad kami ng magkaholding hands. Tahimik lang kami habang naglalakad dahil siguro to aa nangyare kagabi. Hanggang makarating na kami sa school namin ang "GSV University"

"Ayy, nandito na agad tayo? Di ko pa nasusulit yung kamay mo eh"

"JG naman"

"Hehe. Pasok na tayo"

Ayun hinatid niya ko hanggang sa room ko. Sa Engineering Department kase si JG eh.

Nung nasa pinto na kame, inabot na niya sa akin yung bag ko.

"Aral kang mabuti ah, wag mo kong masyadong isipin ha? Haha. Alam kong gwapo ako. Sunduin kita mamayang uwian"

Tumango-tango na lang ako.Nung tumalikod na siya tinawag ko siya.

"J..JG?"

"Miss mo agad ako? Ikaw tala-----

*tsup* hinalikan ko siya sa pisngi

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon