Date Me

16 1 0
                                    

Narito ako ngayon sa bahay.

Kasama ko si Mama na masayang nag-aayos ng kanyang sarili.

Simula ng magkita sila ulit ni Tita Martina eh lagi silang nagkikita.

Sabi ni Mama eh si Gio daw ang gumawa ng paraan para magkita ulit silang magbestfriend.

Ayon pala ang pinagkakaabalahan ni Gio ng mga nagdaan na araw na hindi kami nagkita.

Matagal pala niyang sinuyo ang kanyang ina upang makipagkita sa akin.

Ayaw niya daw kasing sabihin kay Tita Martina na kilala niya si Mama ang fusto daw nitong mangyari eh masurpresa ang kanyang ina.

Na nangyari nga at kasama pa akong magulat at nasurpresa sa nangyari at aking nalaman.

"Pupunta ka ba sa party na iyon?"

Huminga ako ng malalim at iniisip mabuti kung pupunta nga ba ako.

Hindi ko piniling sumagot kay Mama nanatili lang akong tahimik.

Dahil hindi ko naman talaga alam kung anong isasagot ko sa kanya.

Kung pupunta ako? Sa anong dahilan?

Kung hindi? Eh sigurado akong susunduin ako ni Gio para maging date niya sa gabing iyon.

At ang gabing iyon eh mangyayari mga ilang oras na lang simula ngayon.

"Mas mabuti pa na dumito ka na lang sa bahay"

Hindi ko alam pero simula ng sinabi ko kay Mama ang tungkol sa inbitasyon eh

Hindi siya nagdalawang isip ng desisyon.

Ayaw niya akong papuntahin sa okasyon na iyon

At hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Dati naman ay pumapayag ito kaagad.

Pero bakit ang okasyon na ito ay bawal?

"Kahit hindi ako pumunta ma, ay susunduin ako ni Gio upang magpunta sa Party para makadate niya"

Paliwanag ko dito.

"Masquerade naman ang tema hindi ba?"

Tumango ako bilang sagot.

Isabg buntong hininga ang pinakawlan ni Mama.

"O siya sige, pero may damit ka na bang isusuot para doon sa okasyon na iyon?"

Napasapo ako sa noo ko ng ipaalala sa akin ni Mama ang tungkol sa bagay na iyon.

Wala. Wala akong damit na pwedeng isuot mamayang gabi.

Pormal ang tema kaya ibig sabihin gown ang kinakailangan ko.

Tanging dress lang ang meron ako.

Na sa tingin ko ay kung isusuot ko mamaya eh, Hindi aangkop sa tema ng okasyon.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad kong sinagot iyon.

[ "Babe" ]

Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"Gio"

Napatingin sa akin si Mama ng marinig niya ang pangalan na iyon.

[ "Ready ka na para mamaya? I'll fetch you around 7" ]

Umiling ako na parang nakikita niya ang pag-iling ko.

Gusto kong sabihing hindi ako ready.

Wala akong susuotin kaya iba na lang ang isama mo bilang date dahil kapag ako ay baka mapahiya ka.

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon