First Meeting

25 1 0
                                    

Smooth naman ang naging takbo ng mga linggo sa akin.

Para sa trabaho ko smooth ang nangyayari pero kung tungkol naman sa amin ni Mariella ay walang pagbabago.

Kapag may pagkakataon na makausap ko siya puro lang tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan namin.

Although masakit sa akin yon pero proud ako sa ginagawa niya.

Na ang isang Mariella ay naging ganoon kagaling sa paghawak ng business.

Naisisingit ko naman ang usapin tungkol sa amin pero wala naman itong ibang sinasagot kundi ang hindi siya si Mariella at kung nagkataon ay ayaw niyang maging si Mariella. O kaya naman ay sinasabi nito na Paimbestigahan ko siya para malaman ko ang totoo.

Kung alam niya lang gustong-gusto kong gawin iyon pero piniigilan ko ang sarili ko.

Pinapayuhan na rin naman ako ng mga kaibigan ko na paimbestigahan na lang siya para mabilis kong malaman ang katotohanan, sa totoo lang nasa akin na lang ang desiayon dahil kayang-kaya kong mag hire ng private investigator para lang sa case na ito pero hindi ko ginawa.

Oo naguguluhan ako kung paano siya naging parte ng mga Cheng pero isinasantabi ko na lamang iyon dahil kapag nagtagal ay malalaman ko rin naman kung bakit at paano siya naging parte ng pamilyang kinabibilangan niya ngayon.

Ayoko siyang paimbestigahan kasi Naniniwala ako sa nararamdaman ko na siya si Mariella kahit itanggi niya ay alam ko na siya iyon at ayaw niya lang aminin dahil siguro'y nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon sa nangyari.

At kung sakali naman na paiimbestigahan ko ang pagkatao niya at mali ako ng akala na siya nga talaga ang babaeng minahal ko eh para ko na rin pinatay ang pag-asa at nararamdaman ko.

Gusto kong malaman ang katotohanan sa paraan na alam ko sa sarili kong paraan ng hindi humihingi ng tulong ng iba.

Lalo pa't ngayon na malaki na ang pinagbago ni Mariella malayong-malayo na ito sa pagkakakilala oo sa kanya noon.

Kung paano siya manamit, mag-ayos, lumakad, magsalita at tumingin ay nag-iba.. Halos lahat sa kanya ay nag-iba.. Mahirap ng basahin ang kanyang mga galaw lalo na ang kanyang mga titig.

Dati mabilis ko itong mabasa dahil sobrang dali niyang makilala. Pero ngayon nag-iba na amg lahat.

Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa naaibabalik ko siya sa dati.. Na maibabalik ko ang lahat sa dati at Maibabalik ko ang KAMI sa dati.

"Sir the board is there in 20 minutes"

Sabi sa akin ng secretary ko.

Tumango ako dito at inayos ang mga papers na kailangan ko para sa meeting.

This is the first meeting namin as one company.

The Cheng and Vasquez group of company.

At ang pag-uusapan namin ngayon ay ang mga employees namin na magcocolaborate na rin SOON.

Lumabas ako ng office ko at agad akong sinundan ng secretary ko.

Pumasok ako sa conference room at binati ang mga tao doon.

Naupo ako sa assigned seat para sa akin.

Biglang pumasok si Mariella.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang suot niya.

She is wearing a dress that shows too much skin.

Malalim ang V neck cut ng dress at sobrang ikli nito.

Binati niya ang lahat at ng ako na ang babatiin niya ay itinaas niya ang kanyang kilay.

Nakita siguro nito ang nakakunot kong noo sa kanya.

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon