Kuya Gwapo and Ate Ganda

39 1 0
                                    

Maghapon akong tulaley sa loob ng Clinic. nagmumuni-muni sa tinatrato sa akin ni Gio.

ano ba talagang nangyare sa kanya?

bahala nga siya.

ng biglang sumugod papunta dito si Doc Marco at wala siyang ibang ginawa kundi ang pakiligin lahat ng babaeng nakakakita sa kanya.

binuhat niya ako hanggang sa parking lot. at isa lang ang masasabi ko. Pinagkalooban ng Muscles ang lalaking ito.

nasa loob na ako ng kotse niya at pumasok na siya.

pero nagtaka ako nung hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan.

"Kailangan aasikasuhin ka pa eh no?" Sabi niya.

Pinagsasasabi nito? Nababaliw ba to?

"A-anong----

"Dapat nagseatbelt ka na"

Lumapit siya sa akin at inayos an seatbelt ko. Omayyy ang bango. Huyy. Ayos nga.

Siguro kulay kamatis na ko sa pula dito..

"Sorry naman"

"Okay lang. Sanay akong mag-alaga ng bata"

"ANOOO?"

"Joke lang! Hehe. Tara na"

Pinaandar na niya ang kotse niya at bumiyahe na kame.

Nung tumigil na kame sa isang bahay tsaka lang ako nagtanong.

"San ba tayo pupunta?"

"Haha. Ngayon ka lang nagtanong kung kelan nandito na tayo."

Tumingin ako sa bintana. May nagbukas ng gate. At bumungad sa akin ang malaking bahay.

Bumaba na siya sa saksakyan at inalalayan akong bumaba.

Dumaretso kame sa isang garden.
May nakalatag na blanket sa ilalim ng isang puno at may basket doon at juice.

Umupo kame sa blanket tapos lumapit siya sakin. May nilagay siya sa lap ko na mahabang tela.

"T-thank you HAHAHAHA."

Kumunot naman ang noo niya.

"HAHA. Puno niyo ba ni Gio to? Nahiya pa kayo di niyo pa dinrawingan ng heart at pana para forever ang dating. Pffftt. HAHAHA"
Natatawa ako kase may nakaukit na pangalan nilang dalawa ni Gio dun sa puno.

Parang bading eh.

"Pag ganyan puno agad namin?"

"O para san yan Aber?"

"Hanggang buhay yang puno na yan. Bawal kaming magmahal ng iisang babae ni Gio"

Nganga na lang ako.

"Nung six years old kami may crush kaming babae nalaman namin na iisa lang yung crush namin. Tapos ginawa namin lahat ng paraan para mapansin kami nung babaeng yon. Kaso in the end nagmigrate sa America yung babae kaya ayan inukit namin yan para hindi na kami iibig sa iisang babae"

Tumango-tango na lang ako pero natatawa pa rin ako.

"HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Pero mukhang di ko na matutupad yon!"
Sumeryoso naman ang mukha niya pero di ko narinig yung sinabi niya kasi nga busy ako sa kakatawa!

"Ano yon? Haha"

"Wala. Oh kumain ka na tawa ka ng tawa diyan"

Kinain ko naman yung binigay niya sa akin.

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon