Martina Vasquez

14 3 0
                                    

Sa wakas, sa tagal ng paghihintay ko. Nasabi ko rin ang totoo kay JG

Pero ng dahil sa pagtatapat kong iyon nasaktan ko ang lalaking simula pagkabata kasama ko, tagapagtanggol ko at ang lalaking isa sa mga pinaka-importanteng lalaki sa buhay ko.

JG sana maintindihan mo ako.

Sa ngayon papunta ako aa lugar na pinaka ayokong puntahan sa lahat. Sa lugar na kahit isang bahid ng pagmamahal o kaya'y saya ng pagiging isang pamilya ay wala kang mararamdaman.

Ang bahay ng mga Vasquez.

Napagdesisyunan kong ayusin na rin ang dapat ayusin. Para naman isang iyakan na lang kung may dapat bang iiyakan.

At umaasa kasi ako na makita ko ang lalaking iyon na dahilan ng pagtumbling-tumbling ng puso ko.

Okay pa naman tayo hindi ba? Nandiyan ka pa rin naman diba?

Nasa tapat na ako ng pintuan ng isang palasyo.

Pinapasok na agad ako ng mga guwardiya dahil siguro nakita na nila akong kasama dati si Gio.

Bumukas ang pintuan at muli ko nanamang nakita ang mga gamit na animo'y sa palasyo mo lang makikita.

"Magandang umaga" bati sa akin ng isang babaeng nakauniporme.

Tumango naman ako sa kanya.

Muli kong nakita ang malaking larawan ng isang pamilya na animo'y napakasaya.

Kung alam lang ng iba kung ano talaga ang tunay na samahan ng Pamilya Vasquez. Siguradong manghihinayang sila katulad ko.

Para sa akin pag nakita mo silang magkalasama para na silang kumpletong pamilya na ubod ng saya. Walang pinoproblema, may mga anak na masipag mag-aral at pursigido sa trabaho at asawa na maalaga

"Gusto ko sanang makausap si Mrs.Vasquez" sabi ko dun sa babae.

Tumango naman siya at nagsimulang maglakad.

Nakatayo pa rin ako sa gitna ng bahay na iyon.

Ng biglang may nagsalita.

"Yella"

Ngumiti ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

Bigla namang sumulpot ang babaeng nakauniporme at sinabing.

"Pumasok na daw po kayo sa silid ni Maam Martina"

"Salamat" sagot ko sa kanya at naglakad na ako sa tinuro niyang daan sa akin.

Bago ko tahakin ang daan na iyon muling may nagsalita.

"Yella, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" Sigaw niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya at nginitian siya.

Muli akong tumalikod pero biglang may humablot ng mga braso ko.

"Itigil mo na to." Sigaw niya sa akin habang hawak pa rin ang mga braso ko.

"Wag kang mag-alala sa akin" sagot ko sa kanya.

"Pero hindi kita maipagtatanggol pag siya ang kalaban mo, alam mong hindi ko kaya Yella" umiiyak na sabi niya.

"Mae, hindi mo ako kailangang ipagtanggol dahil. Kaya ko to."

Nakipagtitigan siya sa mga mata ko.

Tumango ako sa kanya at sinabing.

"Hinihintay na niya ako. May mga bagay pa kaming dapat pag-usapan"

Live,Laugh && LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon