Kabisado.

2 0 0
                                    


Kilala kita,
mula sa paborito mong banda at kanta,
hanggang sa kung paano kumikislap ang iyong mga mata sa tuwing ika'y maligaya.

Kabisado kita,
alam ko ang paborito mong kulay at porma.
alam ko na kaya mo kahit ika'y mag isa,
dahil, malakas at matatag ka.

Ngunit, mali pala —
hindi pala kita kilala.

Hindi pala nasusukat ang pagkilala sa paborito mong kanta at banda,
hindi pala sila mahalaga.

Tunay ngang hindi kita kilala,
sapagkat, nabulag ako sa ideya na —
kinabisado kita nararapat lang na sa akin ka mapunta.

————————————————

hello, everyone! <33 i hope everyone's doing great despite the situation we're facing. let's keep on loving!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book of thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon