"Kung wala ka ng ibang malandi, ako nalang ulit."
ilang beses ko na bang narinig sayo ang mga salitang "teka lang." at "wait lang." ilang beses ko na rin kaya nasabi sayo ang salitang "sige take your time." at "ah, sige okay lang." alam mo ba na sa bawat salitang ito ay katumbas ng pananakit ko ng husto sa sarili ko? kase alam ko naman ang totoo...
babalikan mo lang naman ako kapag wala na ulit kayo, babalikan mo ako kapag tapos ka na sa katangahan mo. pero hindi ba mas tanga ako? kasi kahit anong takbo ko palayo hinihila padin ako ng tadhana pabalik sayo, kahit anong iwas ko sayo padin naman babalik yung puso ko... kahit ilang beses mo na ko binigyan ng motibo na para bang handa ka ng saluhin ang puso kong patay na patay sayo, ay bigla ka ulit magsasabi ng "teka lang ha? tumawag kasi yung taong gusto ko."
san na ba kasi talaga ko lulugar sayo? nauubos na kasi yung pasensya ko, 'di ko alam kung dapat ka pa bang hintayin o dapat ng limutin. e sa totoo lang naman kasi, kilala mo lang naman ako kapag wala ng sasalo sayo, kilala mo lang naman ako kapag iniwan ka na ng taong pinipilit mong maging iyo...
nandito naman kasi ako bat di mo ba makita halaga ko? pero siguro eto ng huling sasabihin ko sayo kung maghahanap ka ng taong lalandiin wag na ako...