M A G U L O.
Sabi nila, lahat daw ng walang kasiguraduhan sa mundo nagsusulat ng ganito, Sabi ko naman oo nga pala no? Hindi rin ako sigurado sa kung anong meron TAYO. Kaya ako nakapagsulat ng ganito.
Kamusta ka na? Bat bigla kang nawala? Alam mo bang iniintay padin kita?Para akong nagiintay ng jeep sa isang train station, ang weird diba? Bat ako maghihintay ng jeep sa isang train station kahit di naman darating to? Ginawa ko, kahit imposible, sinubukan ko baka kasi pwede.
At di mo sinabi, natagpuan kita. Natagpuan kita na may kasamang iba. Mahal, ang daya mo naman e. Bat di ka nagpaalam? Bat di mo sinabi? Ang sakit mo naman magpaalam e, di ka nagsalita pero pinaramdam mo. Bat puso ko agad tinira mo? Bat di mo sinabi? Ang sakit sakit na e.
Mahal, nakakapagod na. Nakakapagod intayin ka habang ikaw wala na atang balak bumalik pa. Hinihintay kita kahit alam king sakanya ka na masaya. Mahal tama na ha? Ibibigay na kita. Papalayain na kita para di ka na masaktan, hahayaan na kitang maging masaya kahit ikamatay ko pa.
Mahal, tapos na. Malaya ka na. Ipangako natin sa sarili natin na magkakaroon tayo ng pagibig na di na muling magkakamali pa.