"KAPAG NAGKITA TAYONG MULI."
Para sa mga taong handa ng harapin ang kanilang nakaraan ng wala ng sakit na nararamdaman.
Kapag nagkita tayong muli, ay yayakapin kita. At dahil sa wakas, handa na kong patawarin ka.
Kapag nagkita tayong muli, ay sinisigurado ko sayo na handa na ko ulit kaibiganin ka.
Kapag nagkita tayong muli, magpapasalamat na ko sa sakit na binigay mo. Kung hindi dahil dito ay hindi ko makikita ang taong nagbibigay ngiti na sa mga labi ko.
Siguraduhin mo kapag nagkita tayong muli, ay wala ka ng galit na tinatago sa puso mo.
At sana nahanap mo na din ang totoong magmamahal sayo.Yung pagibig natin parang si cupid at psyche yung alam natin sa sarili natin mahal natin ang isa't-isa sadyang ang dami lang problema, at dumating na sa puntong nag lolokohan nalang pala.
Ang hirap na palang hanapin ng pagibig natin ung makikita kita sa pagitan ng mahal kita, at minahal kita. kung lalaban pa ba o susuko na.
Kaya mahal, kung sakaling mag kita tayong muli sana ay hindi na sa pagitan ng kung ano man, sana ay sa tamang lugar na. Yung alam ko na kung mahal pa ba kita o minahal nalang kita, kung susuko na ba o ipaglalaban pa kita,
Sana ay sa tamang oras na yung alam mo na kung handa ka na bang hawakan ulit ako o bitawan na.at ang huli, kapag nagkita tayong muli, mahal siguraduhin mo na sakin na ako naman ang iisipin mo at hindi na ang sarili mo, siguraduhin mo na sakin na ang desisyon mo ay ang ikakasaya mo, at ang ikakabuti ko.