#7

424 5 0
                                    

"Ang Mga Lalaki"

Ito na ata ang pinakamahirap na tulang naisulat ko, ngunit hayaan nyo akong ilahad sainyo ang katotohanan sa likod ng mga ipapakita nila.

Simulan natin, sa mga ngiting baon nila sa araw-araw mga ngiting akala mo ay hindi sila nasasaktan. ang mga biro nilang hindi nakakatawa pero nagpapasaya sakanila, maari mo bang itanong ano ba ang totoong nararamdaman nila? sila ba ay totoong masaya?

Pangalawa,
ang mga bagay na kaya nilang ibigay sa mga taong tunay na mahalaga, ang mga perang nais nilang gastusin para lang sumaya ka sakanilang piling. nakakatawa diba? ang bilis silang husgahan ng lipunan? manloloko, two timer at kung ano pa, tinanong mo ba na ba sila kung mahal ka bang talaga? pano kung oo diba? hindi lahat ng lalake pareho, porket ba nasaktan ka na ng isang beses nito ay habang buhay na silang ganito? hayaan mo ang sarili mong kilalanin sila, ang totoong ugali sa likod ng kanilang maskara.

Book of thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon