"Sundalo."
Aking sinta, ikaw nanaman ang tanging dahilan. kung bakit nasulat ang 100 at higit pang mga salitaan dahil ito lamang ang tanging dahilan, para iparating sayo ang totoong nararamdaman.
Hindi man ako kagalingan sa ganitong larangan, pero sana saiyo'y pasado ang mga salitang nabanggit sa tulang ito. hindi man ako kasing galing ng inaakala mo, ngunit sa tingin ko ay sapat na ito para iparating sa'yo ang totoong sinisigaw ng puso ko.
May nais lamang akong itanong sayo, hindi man ako sigurado sa isasagot mo. itataya ko parin ang buong buhay ko marinig ko lang ang "oo." na sagot mo.
Oo, babae nga ako pero hindi naman kita tatanungin kung maari bang manligaw sayo, o kaya ay pwede bang maging bahagi ng buhay mo... gusto ko lamang itanong sa'yo kung mahal mo ba kong totoo? dahil ito ang maging susi sa kandado, upang ituloy ko pa ang labanang ito.
Alam ko, hindi naman ako sundalo para lumaban sa gyerang ito, dahil ako nga dapat ang prinsesa na nanaisin mong sagipin para sa malaking tropeyo, pero hindi.
Mas pipiliin kong maging sundalo, para sumabay sa laban mo. at sabay natin matatapos ang laban ng pagibig na ito, ng walang talo.
Hindi na ito ang karaniwang tula na isinusulat ko, dahil madalas sa mga laban na iyon ay talo ako. at ito nanaman lalaban nanaman ako.
At sinisigurado ko na sa gyerang ito ako na ang sundalo at hindi ang prinsesang nais nyong sagipin na wala man lang kasiguraduhan kung ako pa ba'y babalikan ng mga sundalong aking inaasahan, o ako'y magiintay nanaman sa panibagong laban na magiging dahilan ng aking kalayaan.
Pinili ko ng maging sundalo, upang lumaban kasama mo at masabi sa sarili ko na ang prinsesang ito handang sumugal sa gyera ng pagibig, bilang puso ang tanging sandata para hindi na makatakas, at ikaw mismo sinta ang pagkukunan ng lakas.
Handa ka na bang sumabak sa gyera na ako ang kasama?