#8

394 1 0
                                    

"Ikaw ang paborito kong tula."

Sa dinami-rami ng bagay na maari kong gawing inspirasyon, bakit nga ba ikaw ang aking napiling sinulatan?

Hanggang ngayon ay nanatiling kwestyon, anong nga bang meron ka sinta? Dahil,

Sa tingin ko ikaw ang aking paboritong tula, dahil hindi ko na kailangan pang magisip.
Na para bang puso ko na mismo ang nagsusulat ng mga bagay na hindi maabot ng aking isip.

Na para bang hindi na kailangan gumamit ng malalalim na salita dahil ang pagmamahal ko palang sayo ay sa sapat.

Ikaw ang nagsilbing inspirasyon upang makapag sulat ng daan-daang tula, maari bang humiling sayo sinta?

Maari bang wag kang mawawala? Dahil kasama ng mga salitang nais ko pang bigkasin ay ang pagmamahal na gusto ko parin iparating.

Mahal kita, ramdam mo ba?

Book of thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon