#2

1.2K 7 0
                                    

TITIGILAN KO NA.

Hi, hello.
Kamusta ka na? Ako okay na.
Tapos na kong punasan ang mga luhang sinayang ko sayo.
Tapos na kong punasan ang mga litratong basang basa ng luha ko.
Oo mahirap pa,

Mahirap pang gigising ako sa umaga na iniisip ka.
Mahirap kalimutan ka, na kahit sa gabi dinadagsa pa ko ng mga alaala mo sa panaginip ko.
Ung sa pagising ko sa umaga na wala ka na.
Wala na ung mga kamay mong hahawakan ko kahit pasmado pa.
Ung mga yakap mo na kahit pawis ka ay gagawin ko.
Ung mga pangako mo na puno ng kasinungalingan pero pinaniwalaan ko.
Nasan ka na ba? Masaya ka na ba na kasama sya? Okay ka na ba sakanya? Kasi kung oo, ititigil ko na.

Ititigil ko ng umasa na babalik ka pa.
Ititigil ko ng magpatama sa facebook na umaasang nababasa mo pa.
Ititigl ko ng mag tweet tungkol sayo kasi oo nga pala okay ka na.
Ititigil ko na ang bawat pag iyak sa gabi habang mahimbing na ang pagtulog mo.
Nagsawa ka na ba talaga? Sa mga kwento kong paulit-ulit nalang.
Sa bawat pagiyak ko sa harap mo pag di mo nabigay ang gusto ko.
Sa pag intindi mo sakin tuwing tinotopak ako.

Kung yan ang gusto mo, sige ibibigay ko. Lagi mong tatandaan na eto na ang huling sasabihin ko sayo
Babalik ka pa ba? Parang awa mo na wag na.

Book of thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon