KRINZ' POV
First time ko 'tong magPOV. Hooray for that!
Keh. Nandito kami sa room. 2nd subject this morning.
"Andy, hindi na ba talaga sasama si Amira dun sa The Battle of the Bands na gaganapin sa labas ng school?" Tanong ko. Katabi ko lang si Andy kaya hindi ako nahirapang magtanong.
"Aba malay ko, hindi na siguro. Bukas na kaya 'yon." -Andy
Bakit kaya? Gustong-gusto niya pa naman 'yon.
Nakatulala lang nga eh. Nakatingin lang sa labas ng bintana. Mukhang ang lalim ng iniisip nito. 'Wag lang siyang magpapahuli kay Sir kund--
"Ms. Lovendino." eto na nga ba ang sinasabi ko. Medyo terror pa naman 'to si Sir.
"Ms. Lovendino, are you listening?" naku, mukhang nasa ibang planeta ang isip ngayon ni Amira.
"Ms. Lovendino!!!!!!"
"Whaaaat?!-- I-I mean w-what Sir?" -Amira
"Are you listening? Oh! Don't answer that, you're not listening, obviously. So answer these questions."
Napatigil naman ang lahat. Lahat naghihintay ng itatanong ni Sir.
Sila Erza nakatingin lang sa unahan. Parang hindi man lang sila nababahala sa itatanong ni Sir at isasagot ni Amira. Hindi man lang ba nila tutulungan si Amira?
"A Doctor and the Doctor's son is fishing. The Doctor isn't the son's father? How is it possible?" -Sir
Luh? Paano yun? Gusto ko mang tulungan si Amira kaso hindi ko alam sagot diyan ih.
Lahat kami naghihintay sa sagot ni Amira...
"The Doctor is the son's mother." -Amira. Oo nga no? Ba't 'di ko naisip 'yon?
"Short 5 letter word. What 2 letters will you add to make it shorter?"
"ER"
Napapatango na lang si Sir.
"What does requires an answer but asks no question?"
"Telephone."
"Okay. Answer this:
22 = 484
24 = 576
26 = 676
28 = ? "
Lahat kami napatingin kay Amira.
"784." agad na sagot ni Amira na humihikab pa. 'Yong tipong hindi na siya nag isip ng malalim. 'Yong nag popped lang sa utak niya na 'yon 'yong sagot. Bored pa nga yung pag sagot ni Amira. Bored pa siya sa tanong na 'yon? Grade 7 ba talaga 'to?
"Pasalamat ka matalino ka." sabi ni Sir at nag lesson uli.
Tiningnan ko naman si Andy na parang hindi ako makapaniwala. Na parang nagtatanong ako ng "alien ba si Amira" sa tingin.
Napatawa naman si Andy.
"Valedictorian namin 'yan nung elementary. 97.8 ang average niya. At 'yong nag Salutatorian 90.5 ang average. Layo ng agwat no? Wala e. Hindi nga namin alam kung anong klaseng utak ang meron si Amira para naman makapagpagawa kami o makapag-order man lang ng katulad ng utak niya. Calculator ata utak niyan eh. Hindi pa nga siya nakikinig kanina." -Andy
Dear Amira,
Tao ka ba talaga?
P.S. Share your blessings.
~~~~~
AMIRA'S POV
Nandito ako ngayon sa Library. Nagmumukmok lang. Sila Erza nandun sa Cafeteria.
BINABASA MO ANG
Mr. Mature meets Ms. Immature
RomanceAn immature girl and a mature man unexpectedly fell in love with each other. Okay lang naman kung ma-inlove ka kahit 1st year high school ka pa lang. Kasi sa LOVE walang pinipiling edad yan. HEIGHT, DISTANCE, AGE DOESN'T MATTER IF BOTH HEARTS ARE LO...