Chapter 13 - Battle

161 4 0
                                    

SUZY'S POV

"Oo na, papunta na ako. Sino pa yung ibang hinihintay?"

Kasalukuyan akong nagmamadali papunta sa sakayan ng tricycle dahil hinihintay na nga ako ng groupmates ko. Kasi nga di ba? Kasabay din nung Battle of the Bands yung contest namin na Dance Grooves. Ang dami ko ngang dala at hirap na hirap akong bitbitin 'tong mga 'to. Eh paano costume ko 'to, hindi ko naman pwedeng suotin tapos magbabyahe ako. Baka akalain ng iba baliw ako. Buti kung nasa Korea ako, medyo maiintindihan nila kasi pang Kpop 'yong costume namin kasi Kpop talaga ang motif ng grupo namin. Girls GenerExo nga ang name namin di ba?

[Dumating na si Mark and Kyle. Ikaw na lang girl ang hinihintay.] -Arian

"Ok-- aaaah!!! Nubayan, kung kelan ako nagmamadali!!! Sino ba kasing-- ikaw?!!" paano ba naman kasi, may nakabungguan ako at nalaglag lahat ng dala ko. At 'yong lalaking unfortunately nameet ko sa mall nung time na may lagnat ako at nung nahimatay ako, yung lalaking yun ang nakabungguan ko.

[Anon nangyari sa'yo Suzy? Okay ka lang ba? Hala. Paano na yung contest?]

OA din nito eh. Namulot na ako ng mga gamit. Tinutulungan niya naman ako. Hah! Dapat lang, siya nakabunggo sa akin eh.

"OA mo teh! Dadating ako. Kaloka. Ge na. End ko na. Baboosh." at in-end ko na nga yung tawag. Pakapindot ko nung end hinarap ko agad yung lalaki.

"Siguro sinasadya mo no? Para makaganti?" tanong ko sa kanya at dinuro-duro ko pa siya. Siya naman nakatingin lang sa daliri ko na dinuduro siya.

Tinapik naman niya yung kamay ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Kaya naman, as usuall na gagawin ng babae, syempre aatras.

"I don't even know you miss." -sabi niya.

o_O

Hanudaaaaw?!! Ano 'to nagka-instant amnesia? O feeling ba niya nakakagwapo yung ginawa niya? Hah! Sorry pero hindi.

"Wow!!! Ako lang naman yung nakabanggaan mo sa mall at pinatuloy mo sa bahay niyo kasi bigla akong nahimatay kasi may lagnat ako noon." sabi ko naman sa kanya. Bakit ko nga ba ine-explain sa kanya?

"Ah, so you should be thankful." angas talaga nitong lalaking 'to. Kapaaaaal!

"No thanks." inirapan ko na lang siya.

"Papunta na ako sa Maxius University. Manunuod ng Battle of the bands at Dance Grooves. Ikaw?"

Napatingin ako sa babaeng napadaan sa gitna namin. Napatingin naman ako sa relo ko...

"Ahh! Malelate na 'ko!!!" halaaaa! Paano na 'to? 15 minutes ang byahe papunta dun sa Maxius University na paggaganapan ng Battles.

Paikot-ikot na ako dito at hindi alam ang gagawin. Tatakbo papunta doon? Nakakapagod yun tsaka late pa rin akong dadating dun kung tatakbuhin ko nga. Lilipad-- ano ba yan.

"Pwede ba? Tumigil ka nga dyan sa kakaikot mo. Nakakahilo." siya pa talaga my ganang mag demand. Urgh! This guy!!! I can't believe I met someone like him.

"Kasalanan mo 'to eh! Kapag hindi ako nakaabot dun sa contest matatalo kami kasi kulang ng member!" naiiyak na ako. Ma-imagine ko pa lang na matatalo kami ng dahil sa na-disqualified, naiiyak na ako.

"O-okay. Just stay c-calm. Don't panic. And don't cry. Don't let your tear fell. PLEASE." mautal-utal na sabi niya. At tumakbo papunta sa... Kotse?

Hindi ko alam kung napaano eh pero parang bigla na lang nagback-out yung luha ko. Concern ba siya? Ah, ano ba 'tong naiisip ko? Baka nakalog na utak ko kaninang nagkabanggaan kami.

Mr. Mature meets Ms. ImmatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon