Chapter 5 - Hassbund

337 8 0
                                    

AMIRA'S POV

"Calling the attention of all the members of Theatre club, please go to the Music Room now. Thank You." Yan ang lumabas galing sa speaker ng room namin. Bawat room kasi sa school ay may speaker para sa mga announcements para mapadali ang pag aannounce.

Excuse naman kami kaya okay lang.

Pagdating namin don, kararating palang nung ibang student.

"Ano kayang meron?" Tanong naman ni Arian.

"Ay tanga. Syempre di rin namin alam. Nagiisip ka b--"

"Sige ituloy mo yan. Bubugbugin talaga kita." -Arian na nakahanda na ang kamao kaya ayun, natigil naman si Faye.

Umupo na lang kami sa mga upuan (ay tanga syempre uupuan ang upuan alangan namang upuan ang mesa.) Na nakaassigned para sa amin.

Pero sa di inaasahang pagkakataon. Napatingin ako sa katabi ko. Nga naman oh oh, bakit ito pa yung nakatabi ko? Wala naman akong balat sa pwet ah? Bakit minamalas ako ngayon? Bakit kasi siya pa. Oo, yung nambato sakin ng bola. -_-

Inirapan ko na lang. Bahala siya. Baka sabihin niya affected ako sa presence niya. Teka? Hindi ba talaga ko affected? Hindi. Hindi ka affected.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin siya sakin at parang nag-smirk pa ha. Umirap na lang ako, sana nakita niya.

"You amazed me yesterday. You saved a girl that was being bullied. It's quite amazing. Kick their faces? *smirk."

"Excuse me? Are you my stalker?"

"Sa gwapo kong 'to, magiging stalker mo lang ako? Dream on!"

"Talaga? Gwapo ka? Sige nga ilang page ba yang mukha mo?"

Magsasalita pa sana siya kaso nagsalita na yung adviser namin sa Theatre club.

"Good Morning. I know that you're all wandering why we called you. So, direct to the point. We'll be having a contest next next week." Sabi ng adviser namin. Napuno naman ng ingay ang Music Room kesyo daw bakit 2 weeks lang ang preparation. "But, don't worry.  Excuse naman kayo sa class niyo kaya pwede kayong magpractice buong araw. Kayo na lang ang bahala kung saan kayo magpapractice."

"Yes, rush kasi ito. We will group you into 10 bands and and who ever wins this contest will represent our school for the coming contest entitled THE BATTLE OF THE BANDS. You'll play and sing 2 songs. At ang makakalaban niyo eh yung ibang school. At 2 weeks preparation lang ang maibibigay sa inyo."

Kaya kaya namin yun in 2 weeks?

"Sa mga dancers nga pala, syempre 'di kayo pwedeng sumali sa bands. Meron rin kayong dance competition na sasalihan. MODERN DANCE ang gagawin ninyo. So ang kailangan sa bawat group ay tig-4 ng lalaki at babae kasi ipapartners namin kayo. Kayo kayo lang ang gagawa ng steps at kayo rin ang bahala kung anong tugtog ang sasayawin ninyo. Just make sure, modern dance ang sasayawin ninyo. Kasabay niyo lang sa contest ang bands. At magkatulad rin lang naman ang sistema ninyo. Kung sino ang manalo, siya ring magrerepresent ng school. Sabay rin ang contest niyo, pero ang title ng contest nasasalihan niyo eh DANCE GROOVES. Got it? Sa mga actors and actresses naman natin dito, wala pa kayong masasalihan as of now."

Nakakatense 'to ah. Gusto kong manalo. Gustong-gusto ko kasi talaga na kumanta sa harap ng maraming tao. Dati kasi, sobrang mahiyain pa ko kaya 'di ako sumasali sa mga contests na yan.

"Sana magkakagrupo lang tayo no?" -Linel

Oo nga, gusto ko rin na magkagugrupo kami.

"Pero lahat naman tayo singer eh. Pano yan?"

Mr. Mature meets Ms. ImmatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon