AMIRA'S POV
What a good start of my day!
May tarpaulin agad sa harap ng gate. Greeting sa pagkapanalo namin sa Battle pati na rin kila Suzy. Proud na proud sa amin yung mga schoolmates namin pati na rin mga staffs ng school. And syempre sila Mama at Papa. Tumawag kasi sila kagabi at ikinuwento ko na sa kanila.
Papunta na ako sa room namin.
"Congrats." bati sa akin ng 2 babae na sa tingin ko eh 3rd year high school na.
"Thank You po." sagot ko naman at ngumiti.
Nagpatuloy ako sa paglakad at marami na ang bumati at nag-congratulate sa akin. Feeling ko tuloy, instant beauty queen ako. Lol.
Hanggang sa makarating ako sa room.
Nakita ko naman agad yung mga barkada ko. Magkakasama sila.
"Mga Sis!" sabi ko at lumapit na sa kanila.
"Congrats Sis." -Suzy
"Same to you."
"Nabalitaan niyo ba na may transferee daw. 4th year student." -Erza.
"Oh? Talaga? Buti pinayagan pang mag-transfer." -Linel
"Dati na kasi siyang estudyante dito. Pumunta nga lang daw sa ibang bansa at dun na nag-aral. And ngayon, bumalik na."
"Sana lalaki." -Erza with matching beautiful eyes.
"Hindi ka nga pinapansin ni Blue tapos maghahanap ka na naman ng hahabulin mo. Tapos ano? Hindi ka rin iintindihin?" -Faye
"Pinapansin kaya ako ni Blue. Hmp." -Erza sabay flip hair.
"Landi-ers neto." -Faye
"Landi agad?! Di ba pwedeng ..." -Erza
"Di ba pwedeng ..." -Erza
"..." Walang nagsasalita sa amin dahil hinihintay namin ang sagot ni Erza.
"Oh ano? Wala kang maisip no?" -Faye
"Confirm!" Sabay-sabay naming sabi except kay Erza.
"Confirm?" -Erza
Lumapit naman kami sa mukha niya at..
"Na malandi ka!" Sabay-sabay naming sabi.
Tawanan naman agad kami at nagpout lang si Erza.
Kawawang bata, wala na namang kakampi.
"Ms. Lovendino."
Tawag sa akin ng isang estudyante. Ah, si Ms. President pala ng school government namin.
"Ah, ako nga po. Bakit po?"
"Pinapatawag ka ni Ms. Monge." Ah yung teacher namin sa Theatre Club.
"Bakit daw?"
~~~~~
Naglalakad na ako papunta sa faculty office.
Hindi naman kalayuan kaya nakarating naman agad ako.
"Good Morning Ms. Monge."
"Oh, you're here. Good morning, too, Ms. Lovendino."
I just smiled at her.
"Kaya kita pinatawag to inform you na magkakaroon tayo ng Sports Week, magsisimula na ito sa Monday. Diba friday na ngayon? Kaya magstart na kayong pumili kung anong sasalihan niyo." -Ms. Monge
Ah, oo. Every year naman talagang nagkakaroon ng mga events na katulad niyan kahit noong elementary kami dito. Marami pang ibang upcoming events.
"So, I want you to inform your band mates. In-announce na kasi noong isang araw kaya sinabihan na kita kasi for sure wala pa kayong idea. Mag-participate kayo ha? Marami namang sports ang pagpipilian. Okay?" -Ms. Monge.
BINABASA MO ANG
Mr. Mature meets Ms. Immature
RomanceAn immature girl and a mature man unexpectedly fell in love with each other. Okay lang naman kung ma-inlove ka kahit 1st year high school ka pa lang. Kasi sa LOVE walang pinipiling edad yan. HEIGHT, DISTANCE, AGE DOESN'T MATTER IF BOTH HEARTS ARE LO...