Chapter 4 - New Friend

266 7 1
                                    

ANDY'S POV

Pumasok ako sa room, lahat ng barkada ko nandito na. Himala, di ata late si Amira ngayon. Kadalasan kasi late yan, kahit nung elementary pa kami.

"May sasabihin pala ako sa inyo mamaya." Sabi ko sa kanila sabay upo.

"Ako rin. Hihihi." Napatingin naman kami kay Erza. Lahat kami napapoker face na lang. For sure kasi nakakita na naman yan ng gwapo.

"Good Morning class. By the way, may baguhan kayong classmate na ngayon pa lang nakapasok kasi na'late siyang mag enroll. Ms. Llaneta, come here, kindly introduce yourself to your classmates."

May tumayo namang babae na may salamin. Mukhang mahiyain 'to.

"H-hi. G-good Morning cl-classmates. My name is S-Shaina Krinz Llaneta."

Narinig naman naming nagpipigil ng tawa yung ibang classmate namin.

"Okay, go back to your seat. Class, be good to her."

"Yes miss."

"Oh, one more thing. Janna, Gella, Amira, Johan, Faye, Linel, Arian, Kim tanggap kayo sa Theatre club."

"Yess! Good job girls!" Sabi ko naman sa kanila at nag apiran naman kami.

"Yung sumali nga pala sa TLE at Fashion and Design club, tanggap na rin kayo."

Yey!! Tanggap kaming lahat.

At nagsimula na ang klase. Napatingin naman ako dun kay Shaina. Ang tahimik niya doon. Nakatingin lang talaga siya sa kanyang libro.

*kringg

Hayy salamat. Recess na rin sa wakas.

Nagtatawanan kami habang naglalakad dito sa hallway. Recess kasi namin at papunta na kami sa Canteen.

"Sayang di namin nakita yung itsura nung mga lalaking lumapit sa'yo Andy. HAHAHAHA." -Linel na humahagalpak pa ng tawa.

"Akalain mo naman kasi na sabihan ni Andy na may lalabas na tae sa bunganga niya. Imba." -Arian

Oo nga pala ikinuwento ko na sa kanila yung nangyari nung auditions. Kaya eto, tawa sila ng tawa.

Ikinuwento na rin pala sa amin ni Erza yung nangyare sa kanya. Loka talaga. Nakakita lang ng gwapo. Tss.

Eto siya ngayon tulala na kumikislapkislap pa ang mga mata na parang nagde'daydream.

BOINK!!!

Muntik ng madapa si Erza dahil sa batok ni Faye.

"Daydream ka ng daydream dyan sa Asul mo! Madapa ka sana para mas pumanget pa yang mukha mo!!" -Faye

Ang brutal talaga neto oh.

"Eh muntikan na nga akong madapa dahil sa batok mo. Muntik ng sumubsob ang ever beautiful face ko sa lupa eh. Buti kung tiles. Ay hindi rin pala. I-uppercut nga kita jan eh. Ano ha? Suntukan tay--"

Naputol ang pagsasalita ni Erza dahil biglang may nakitang gwapo. Ano pa nga ba?

<3.<3 -- Erza as usual. -.-

"Ehem. Hey Blee. Kemeste ke?" Ay landi talaga neto. Sarap iuntog sa pader.

Aahh. So siya pala ang Blue. Okay na rin. Pwede ng pagtiyagaan. Pero mukhang suplado.

Tumingin naman sa kanya si Blue at nilagpasan na lang siya.

"Pfffffft... HAHAHAHAHAHA." Tawa naming lahat. 4r4y kUh Bh3!! Ang saklap non.

Nakakagulat lang ha, di kasi nagalit sa amin si Erza. Instead..

"Nakita niyo yun? Tinignan niya ko!!! Oh my beautiful face. Sabi na eh. May gusto talaga siya sakin."

Mr. Mature meets Ms. ImmatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon