Chapter 8 - Unknown Number

174 4 4
                                    

ERZA'S POV

Naglalakad-lakad ako dito sa mall para mag-hanap ng boylet - joke lang. Para bumili ng damit. Kayo ha.

Ay ang daming gwapo.

May makakasalubong akong gwapong lalaki. Ayan na!

"uhm, helle pe. :-)"

"uh Hi." bati niya rin sa akin ng naka-ngiti. Ang ganda ko talaga. Walang kokontra. I'm just honest. You know.

Nilagpasan ko na ang lalaki.

Patuloy lang ako sa paglakad nang may makita akong lalaki na pamilyar sa akin. Nakatalikod siya sa akin kaya't hindi ko sigurado kung siya talaga 'yon.

Nakita ko ang lalaking itinadhana para sa akin. Ang lalaking makakasama ko hanggang sa tumanda kaming dalawa. At magkakaroon kami ng 12 na anak. Sweet no?

Tumakbo naman ako papalapit sa kanya. Tila nag-slow motion ang paligid. At habang papalapit ako ng papalapit sa kanya. Humarap siya sa akin na naka-slow motion rin.

"Bluemylabsosweet. I'm coming babyyyyyy!!!!!!"

Naka-ngiti lang siya habang tinitingnan niya ako na papalapit sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya, agad akong tumalon at inilagay ang aking mga paa sa likod niya. At ang aking mga kamay ay niyakap siya. Kaya parang ako ay isang batang karga karga niya.

"Sabi ko na nga ba at hihintayin mo ko dito." -Ako

"Syempre. Ikaw pa."

*kring (alarm ringing)

-_- panaginip lang pala.

Pero okay na yun. Nararamdaman ko na magkakatotoo yun. Ha! Talaga!

"Isang napakagandang umaga sa napakagandang nilalang." sabi ko sa sarili ko at bumangon at bumaba na sa hagdan para kumain ng almusal.

"Good Morning my beautiful Mommy." sabi ko sa Mama ko na nag-hahanda para sa almusal.

"Good Morning, too, my beautiful daughter. Kain ka na."

"Alam mo Mommy, napanaginipan ko na napakaganda ko daw po talaga."

"Anak, hindi yun panaginip..."

My Mom paused for a moment. What? Sasabihin niyang panget ako? Na hanggang panaginip lang yun?! No!

"Kasi, reality 'yon!!! Kanino ka pa ba magmamana eh di kay Mommy." kala ko sasabihin niya panget ako. Haha.

"Honesty is the best policy." Sabi ko naman at kumain na.

"Mommy, pupunta pala ako sa Mall."

"Okay, anak."

After kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko at naligo.

"My Mama told me when I was young, we are all born superstars. She rolled my hair and put my lipstick on, in the glass of her ... Ano ngayun? Basta. I'm beautiful in my way 'cause God makes no mistake I'm on the right track baby I was born this way."

Patuloy lang ang pagkanta ko habang naliligo.

Pakatapos kong maligo, nagbihis na ako. At naglagay ng mga dapat ilagay sa katawan. Like cologne at kung anu-ano pa.

At tadah! Humarap ako sa salamin. Nakikita ko na naman ang napakagandang nilalang. No other than me!

Nakasuot ako ng mini skirt at hanging dress at sandals with a cute ponytail.

Mr. Mature meets Ms. ImmatureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon