SUZY'S POV
Kakauwi ko lang galing sa school and it's 5:07 PM already.
Oo nga pala, nakauwi na si Mom galing Korea. Pero si Ate, nagpaiwan doon.
Umakyat na ko sa hagdan para pumunta sa kwarto ko pero nang madaanan ko yung kwarto nila Mama at Papa..
"Umalis lang ako papuntang Korea may babae ka na!" Sigaw ni Mama.
Ano?! M-may b-babae si Papa?
Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tenga ko para mas marinig ko.
"Hindi totoo yan." Kalmado pa rin ang boses ni Papa.
"Eh ano yung nababalitaan ko na pumunta ka sa hotel tapos paglabas mo may kasama ka ng babae?! Ha?! Sabihin mo sa akin ano yon?!" Sigaw ni Mama.
Naiiyak na ako. Masisira na ba family namin? Ayoko.
"Trabaho 'yon." Kalma pa rin si Papa.
"Trabaho?! Anong klaseng trabaho 'yon?! Cheating job?! Ano 'to lokohan?!" Sigaw ni Mama.
"Sini bang nagsabi sa'yo niyan? Nakita ba niya buong pangyayari?" Medyo naiinis na rin si Papa pero alam kong pinipigilan niya.
"Wala kang paki kung sino man ang nagsabi sakin non." Sagot ni Mama.
"Naniniwala ka agad sa sinasabi ng iba. Hindi mo pa nga ako tinanong about that incident tapos nambibintang ka na? Mas pinaniniwalaan mo ba yung nagsabi sa'yo kesa sa sarili mong asawa?!" Medyo tumataas na boses ni Papa.
Binuksan ko na yung pintuan. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin nila. I need to stop them.
Pero hindi nila nahalata na nakapasok na ako.
"Paano kung sabihin kong oo?" Sabi naman ni Mama.
"Then mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo!" Sigaw ni Papa.
At dun na tumulo luha ko.
"M-maghiwalay?" At tsaka lang nila ako napansin.
Lumapit si Mama sa akin.
"Anak--" pinutol ko na yung sasabihin niya.
"Maghiwalay?!!" Sigaw ko. Umiiyak pa rin ako habang nakatingin sa kanila.
Tahimik lang silang nakatingin sa akin.
"Hindi niyo ba naiisip na may mga anak kayo?! Hindi niyo ba naiisip yung mararamdaman namin?! Ang selfish niyo. Sarili niyo lang iniisip niyo. Sa tingin niyo ba yan ang solusyon?! Sige! Mag hiwalay kayo. Pero 'wag niyong asahan na sasama ako sa kahit isa sa inyo!" Sigaw ko at tumakbo na ako palabas sa kwartong 'yon.
"Anak!" -Papa
"Kasalanan mo 'to!" -Mama
Rinig ko pang sabi nila.
Lumabas ako ng bahay. Naka-uniform pa rin pero wala akong paki-alam. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, bahala na. Ayokong pumunta sa barkada, ayokong mamroblema pa sila sa akin. Broken hearted si Amira at ayokong dagdag pa problema niya. Hindi ko na rin pupuntahan yung iba dahil kailangan sila ni Amira.
Lakad lang ako ng lakad at naisipang tumawid papuntang park pero..
BEEP!!!
Napatingin ako sa kotseng paparating na sobrang lapit na sa akin.
Katapusan ko na ba?
Ipinikit ko na lang mata ko at hinintay yung kotse. Bahala na.
Papa God, kayo na ho sana bahala kila Mama, Papa at Ate. Maging masaya ho sana sila.
BINABASA MO ANG
Mr. Mature meets Ms. Immature
RomanceAn immature girl and a mature man unexpectedly fell in love with each other. Okay lang naman kung ma-inlove ka kahit 1st year high school ka pa lang. Kasi sa LOVE walang pinipiling edad yan. HEIGHT, DISTANCE, AGE DOESN'T MATTER IF BOTH HEARTS ARE LO...