AMIRA'S POV
Nandito na ulit kami sa bahay ni Pito, oh baka isipin niyo kung sino yan ha. Si Seven yan, bakit parang pang alien ang pangalan niya? Number talaga?
Nagpapraktis na sila. Oo, sila lang.
Eh pano..
"Grabe talaga. Bakit napaka napaka napaka napaka-gwapo ko? Pano na lang pala kapag tumabi ako sa mga artista? Eh 'di mawawalan sila ng trabaho? Tapos ako na lang ang sisika--" sabi niya habang nakatingin pa sa salamin at talagang hinahawakan pa yung mukha.
"Di ka ba talaga titigil dyan?! Kanina pa tayo walang nagagawa dito. Tignan mo sila, nagpapraktis na. Palibhasa puro ka pagwapo. Scratch that. Kahit pala magpa-gwapo ka wala rin namang effect."
Napatingin siya at napangisi sa akin pakatapos kong sabihin 'yon.
"Kasi dati na kong gwapo? Alam ko na 'yon. Sabi na nga ba eh, nagagwapuhan ka talaga sa aki--"
"Kasi kahit anong pagpapagwapo mo, wala pa rin kasi nga, ang panget panget mo!!!"
Kapal talaga netong lalaking 'to. Gwapo daw? Oo kay-- hindi kaya. Ano ba yan!
"Ganyan talaga kayong mga babae, inaaway kaming mga lalaki pero ang totoo. Nagpapansin lang kayo kasi may gusto na kayo sa amin. Alam ko na 'yan, 'wag ka ng mahiya. Tayo tayo lang naman ang nandito."
Aba! Kapal talaga neto!
"Ilang page ba yang mukha mo? Tsaka hindi ako kasama doon sa sinabi mo."
"Ahh, alam ko na kaya 'di ka kasama dun sa sinabi ko. Kasi hindi ka babae, lalaki ka pala."
Boink!!!
Nabatukan ko na. Sinasagad pasensya ko eh.
"Ako?! Lalaki? Malinaw pa ba yang mata mo?!"
Kapal talaga. Mukha ba kong lalaki? Di naman 'di ba?
"Hoy! Kayong dalawa. Ang ingay ingay niyo! Baka madevelop kayo." -Feye. No way!
"Hindi kami picture para madevelop!" Sabi ko naman. Sa lahat ng lalaking ipepair sa akin, ito pa?! Eh masyadong feeling tapos, 'di marunong mag-spell ng HUSBAND! Pero gw-- panget pa.
Nagtawanan naman sila nung sinabi ko 'yon.
"Sige na, mag-praktis na lang tayo. Pero Amira, tip lang ha. 'Wag masyadong defensive. Mahahalata ka niyan." -Clint
Inirapan ko na lang.
Mabuti pa mag-practice na lang ako. Wala akong mapapala sa mga 'to. Naputol ang pag-papractice ko dahil..
"Ah Amira, pariham nga ng cellphone mo." -Pito
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Kasi lowbat cp ko at kailangan kong magresearch about sa kanta na kakantahin natin."
"May Laptop naman kayo di ba?"
"Eh nasa taas pa 'yon. Sige ka, tayo naman ang mapapahiya kapag 'di tayo sigurado sa gagawin natin."
Kaya ayun, binigay ko ka agad. Ayaw kong mapahiya eh. Nakakahiya. Kaya nga mapahiya kasi nakakahiya. -.-
"Ano bang sini-search mo?" Sabi ko at akmang titingin pero inilayo niya sa akin.
"Basta, 'wag kang maingay."
"Ehem ehem!! Da mubs ehem!" -Clint
Tinignan naman siya ng masama ni Pito. Ano 'yon?
Matapos ang isang taon este minuto.
"Oh ayan na."
"Thank you ha?!" Sarkastiko kong sabi.
BINABASA MO ANG
Mr. Mature meets Ms. Immature
RomanceAn immature girl and a mature man unexpectedly fell in love with each other. Okay lang naman kung ma-inlove ka kahit 1st year high school ka pa lang. Kasi sa LOVE walang pinipiling edad yan. HEIGHT, DISTANCE, AGE DOESN'T MATTER IF BOTH HEARTS ARE LO...