CHAPTER 4

65 5 5
                                    

Ciara's POV

Two weeks has gone by after that dinner date with Shan's family. After that, bumalik sa pagiging normal ang lahat pero hindi na kami masyadong nakapag-bonding ni Shan, even nga siguro sa pakikipag-usap ay hindi na.

Just as I thought that mangyayari at mangyayari ang ganito lalo na at uunahin niya talaga ang girlfriend niya kaysa sa akin. I mean, sino lang naman ako?

I rolled my eyes in annoyance at sinubsob ang mukha ko sa mesa. Tinapik naman ako ni Patricia sa gilid, "Huy, ano ka ba? Gumising ka nga at nag-le-lesson pa si Sir Justine."

I lift my head and looked at her, "Wala akong pakialam. Alam ko naman 'yan e, tinuro na yan noong senior high," I said at bumalik sa pwesto ko.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Shan sa isang tabi ko naman. Nakalimutan ko, magkatabi pala kaming dalawa.

Umayos naman ako ng upo, "Okay lang naman ako. Nagugutom lang ata, hindi kasi ako nakapag-breakfast."

Napa-iling naman si Shan, "Bakit hindi ka kumain? Gusto mo bang magkasakit ka?"

"Sorry naman, galit ka naman diyan," Sabi ko naman, "Nawalan kasi ako ng ganang kumain e and besides, ayoko rin na ma-late ako sa klase."

He sighed and grabbed my arm. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, "Hoy, saan mo ako dadalhin?"

Hindi siya umimik at hinila lamang niya ako patayo at lumapit pa kay Sir Justine. Napahinto si Sir Justine sa pag-tuturo, "What do you need, Shan?"

"Emergency lang po, Sir," Shan said and smiled at him. Akala ko ay hindi papayag si Sir Justine, pero I just saw that he nodded, "Thank you, Sir."

Shan dragged me out of the room and bumaba sa building. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but I don't have the energy to argue.

Lumabas kami ng College Building East, at tumawid kami sa narrow road. Akala ko ay papasok kami sa College Main Building pero we turned left and we got inside 7/11.

"Shan, pwede naman kasing mamaya nalang sa lunch break," I said dahil nahihiya talaga ako sa ginawa niya kanina. Is this what you called cutting classes? Nakakahiya lang na umalis kami in the middle of Sir Justine's discussion.

"Tingnan mo nga ang sarili mo, sobrang tamlay mo. Nine thirty pa kaya at ilang oras pa para mag-lunch break," Sabi niya lamang at pumili ng makakain kaso wala akong nagugustuhang pagkain dito.

"Wala akong gusto dito. May sisig nga pero hindi ko bet ang ganyan," Sabi ko at tumingin sa may bintana nang nakita ko ang Urios Gymnasium kaya agad ko siyang hinila.

"Aray! Ano ba, nanghihila ka diyan e."

Tinuro ko naman sa may kanto ng Gymnasium, "Ayun! Doon tayo, please. Gustong-gusto ko kasi ang Sisig nila doon. Masarap and sulit!"

Napatango at tumawa naman siya, "Okay, sige tara na at para makakain ka."

Lumabas na kami ng convenience store and crossed over the main road, the busiest road in Butuan City. I looked at my left and right pero ang dami pa ring kotse.

Napatingin naman ako sa itaas kung nasaan ang overpass ng school and the staircase, "Kainis talaga. Kailan pa kaya nila bubuksan ang hagdanan na 'yan? Balik na nga lang tayo sa College Main Building"

Napatingin naman siya sa overpass, "Andito na tayo, tumawid nalang tayo," He suddenly grabbed my hand.

As we crossed the street, it was like a slow-motion, and my heart pounding like crazy. I'm crazy in love with this guy, but I need to stop this feeling.

#TGND2: Best Friend Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon