CHAPTER 23

65 3 0
                                    

Ciara's POV

"ANAK! BILISAN MO NA AT MALE-LATE KA NA SA FIRST DAY!" Napa-balikwas naman ako sa higaan ko nang marinig ang sigaw ng aking pinakamamahal kong ina.

Napatingin ako sa orasan at kita kong pasado alas sais na ng umaga! Hays nine AM pa naman ang pasok ko pero nagmamadali na rin ako sa pagligo at sa pagbihis dahil syempre excited akong makita ang babe ko!


Pagbaba ko ay nadatnan ko naman si mommy sa hapag-kainan ngunit pansin ko ay wala si daddy, "Good morning mom," I kissed her on her cheeks. "Nasaan pala si dad?"

"Maaga siya umalis kasi at may aasikasuhin sa work sa Manila," sagot naman ni mommy kaya tumango nalang ako. Kahit naman busy sila ay hindi na bago sa akin 'yun, basta't makasama ko sila isang beses sa isang araw ay okay na okay na sa'kin 'yun.

"Kumusta naman kayo ni Shan, anak?" tanong ni mommy kaya napatingin naman ako sa kanya at hindi ko alam pero napapangiti nalang tuloy ako.

Nababaliw na talaga si Ciara Rose Ramirez!

"Okay naman kami, mom. Masayang-masaya po," sagot ko naman.

Napatango naman si mommy, "Alam mo, masaya ako dahil nagkatuluyan na kayo. Kahit naman na sobrang busy ako noon ay hindi ibig sabihin nun na wala na akong nalalaman. Alam ko na dati pa ay matagal mo na siyang gusto."

"Yes, I love him so much," sabi ko lang naman, "Akalain mo 'yun, mom? Malapit na kami mag-iisang buwan, 'no?"

"Yeah! Grabe, ang dami ng pinagdaanan ng nobyo mo," sabi naman niya habang nguunguya ng paborito niyang lumpia shanghai, "Mula kay Julie, sa inyong dalawa, sa issue niyo kay Julie, na-guidance pa kayo, tapos biglang malaman ni Shan ang totoo sa pagkatao niya."


Nanahimik na lang ako, buti nga ngayon at okay na sila ng pamilya niya. Napag-usapan rin nila na alternate siya sa pag-bond kasama ng papa niya.

May minsan ring lumabas sila at kasama ako. Maganda ring kasama ang papa niya dahil palabiro rin ito, like Shan.

Kumain na rin naman ako at pagkatapos ay nagtooth brush bago ako nagpaalam kay mommy. Binigyan niya rin ako ng pera pambaon ko at lumabas na rin ng bahay. Saktong paglabas ay andun na ang pinaka-gwapo kong boyfriend sa balat ng lupa!

"Hi, beb!" bati ko naman sa kanya, "Tara na. Excited na ako this semester!"

"Sus, excited ka lang mahiwalay sa'kin e," oo nga naman dahil hindi pala kami magkaklase this sem. Sayang naman kung ganun pero wala na akong magagawa pa.

"OA mo naman," natatawa kong sambit at hinalikan siya sa pisngi, "Tayo lang ba? Wala si ate Faith?"

"Nauna na siya. Hinatid kasi siya ni daddy ngayon. Kailangan din nilang mag-bonding na magkapatid 'no."

Napatango naman ako. Biruin mo ba naman, dalawa lang na magkapatid si ate Faith at si Tito John tapos ang layo-layo ng gap nilang dalawa.



Nineteen years old na si ate Faith tapos si Tito John ay thirty-three years old na ata. Basta, ang alam ko ay fourteen years ang gap nila.


Nagkibit-balikat na lamang ako at pinagbuksan niya naman ako ng pinto upang sumakay ako don, "Thanks, beb."

Sinara niya naman ang pinto bago siya tumungo sa driver's seat at pinaandar iyon. Nag-drive na rin siya paalis at habang nasa daan kami, napansin kong bumagal ang takbo niya kaya napatingin ako sa kanya.

#TGND2: Best Friend Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon