Ciara's POV
After our dinner and after three days, everything went back to normal but for me, okay na dahil we have the chance to talk with Shan about everything. It been so hard for me these past few weeks to adjust that nawalan ng oras ang best friend ko pero ngayon ay magaan na ang pakiramdam ko thinking that he cared for me as much as he cared for his girlfriend.
Kasama ko si Patricia ngayon sa court dahil mag-t-tryouts si Patrick for the Volleyball Team for te upcoming Foundation Day and Sports Fest. Malapit na rin gaganapin ang Sports Fest and excited na ako though wala akong sports pero na-recruit naman ako bilang pianist sa isang banda sa Accountancy Program.
Tanging si Patricia at Patrick lang ang nakakaalam na nag-audition ako yesterday. I haven't told Shan yet at tiyak magugulat iyon dahil hindi niya alam na may talent ako sa music. Ang weird, diba? Mag-best friends kami for as long as I remember pero hindi niya alam na I play instruments, too.
Nahihiya kasi akong mag-play in front of everyone kaya ang alam lang niya na kaya kong gawin ay kumanta. Actually, dapat nga vocals ang focus ko sa audition kaso ang daming nag-audition para doon kaya wala ng slot na para sa akin but good thing ay bakanteng-bakante ang piano at wala pa silang nakikitang member kaya I grab the opportunity.
As for Patrick, he is a volleyball athlete kaya alam ko na he will ace the try-outs. Si Patricia naman ay walang kahilig-hiligan sa sports, but I know that she plays darts and archery kaso hindi available dito sa school ang ganun unlike sa old school namin sa Agusan High.
I looked around and hoping Shan is here but I guess nasa Main Building sila sa mini-court doon sa school. May ibang cheerleaders din at nakita ko na nandoon si Julie but I didn't approach dahil hindi naman kami masyadong close.
We just watched Patrick play and I can say that he is literally a pro in volleyball. Minutes have passed ay nararamdaman kong kailangan kong mag CR kaya sinamahan din ako ni Patricia.
Nagtatawanan lang kami habang papunta sa CR dahil medyo malayo ito sa mismong court kaya kailangan maki-hiram kami ng CR sa mga senior high students.
Pumasok kami sa kanya-kanyang CR at patapos na sana ako nang naramdaman kong may mga babaeng pumasok rin sa loob and if I'm not mistaken ay mga senior high students ito.
Lalabas na sana ako sa cubicle nang narinig ko silang nag-uusap,
"Julie, paano na si Shan niyan? Hindi ba boyfriend mo siya?" Narinig kong tanong ng isang babae at tila na curious ako dahil hindi ako magkamali, mga cheerleaders ito na mga seniors.
"Yeah, bakit? May problema?"
"Ganon? Eh ka-ano mo naman si Dwight?" Lalo akong na-intriga at malaman dahil gulong-gulo ako sa mga naririnig ko.
"Boyfriend ko din. May angal kayo?" Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko iyon. Alam kong si Julie ito dahil kilala ko ang boses niya.
"Hindi ka na talaga nagbabago, Julianna."
I heard her sigh, "Nakakainis nga e, boyfriend ko si Shan at magkakasama kami pero bukambibig niya palagi ang best friend niya."
"Like what?"
"Like sobrang guilty siya daw na wala na siyang oras sa kanya and so on. Kahapon nga sobrang saya nga niya daw at lumabas sila. Like duh, nakakainis talaga! Parang may gusto na ata siya don e. Hay naku, 'wag na nga nating pag-usapan 'yan at may lakad pa kami ni Dwight ngayon," Naramdaman kong umalis na ang grupo ng mga babae at doon na kami lumabas sa cubicles namin at kitang-kita ko rin ang gulat sa mga mukha ni Patricia.
BINABASA MO ANG
#TGND2: Best Friend Love [COMPLETED]
Teen Fiction#THE GIRL NEXT DOOR 2: BOOK 2 #TGND: Julia Alvarez. I highly request you to read book 1 first. ---- Shan, Julia's son, grew up as a college freshman with her best friend, Ciara for fifteen years. Ciara Ramirez is smitten with his best friend Shan...