CHAPTER 26

25 2 0
                                    

Ciara's POV

As I went inside our home, nakita ko na nakarating na pala si mommy dahil nasa sofa ang kanyang bag na dinala niya kanina sa trabaho.



Kinuha ko naman ang bag niya at umakyat na rin ako para ibigay sana sa kanya ang bag nang biglang narinig ko na may kausap siya sa telepono niya at tila ay galit na galit pa siya.



"OH? Tapos ano?!" singhal niya. Sinilip ko pa siya mula sa pinto at may katawag pala siya, "Talagang pumunta ka pa d'yan sa Manila para makipag-kita sa kanya, ano?!"



Sa pagkakaalam ko ay nasa Manila ngayon si daddy dahil sa kanyang trabaho. Hindi kaya si daddy ang kausap ni mommy ngayon? Pero, bakit parang galit na galit si mommy? Nag-aaway kaya sila?



"I don't care about it! Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit kailangan mo pang makipag-kita sa kanya?!" nakikinig lang ako at nagtatago lang sa may siwang ng pinto. Hihintayin ko nalang na matapos ang usapan nila.



"Ewan ko sa'yo, Ramon Ramirez! Mag-sama kayo d'yan ng ka-trabaho mo!" at doon ay nakita kong pinatay na niya ang tawag at itinapon pa ang phone sa kama niya.



Alam ko na may problema sila ngayon at  kung ano man 'yun ay  aalamin ko. Pero, baka naman  ay konting tampuhan at misunderstanding lang nila 'yun.



Napalingon naman si mommy sa gawi ko at kitang-kita ko kung paano lumaki ang mga niya at lumapit sa'kin, "C-Ciara ... nakauwi ka na pala! Oh, kumusta ang first day of classes mo?"



"A-ayos lang naman po," sabi ko at kumunot pa ang noo ko, "Uhh ... s-sino po ba ang kausap mo sa phone?"



Bahagyang iniwas ni mommy ang tingin niya sa mga mata ko, "N-narinig mo ba ang usapan namin?"



Napa-iling naman ako, "Kakarating ko lang kasi tapos narinig ko po kayo," sabi ko naman at ibinigay ko sa kanya ang bag niya, "Naiwan mo rin kasi ang bag mo."



Napatango naman siya at ngumiti, "S-sige. Salamat anak, magpahinga ka na rin. I love you!" iyon lang ang sinabi ni mommy at kaagad na niyang sinara ang pinto ng kwarto nila.





Napa-buntong hininga na lamang ako at tumungo nalang sa kwarto ko. Kailangan kong alamin kung  ano man ang problema nila. Ayaw ko na bumalik na naman kami sa dati. Ayaw ko ng mapag-iwanan ulit.



I know that I have Shan, pero mas masaya pa rin kapag magkasama ang buong pamilya. Even si Shan, ayaw ko rin na mawala siya sa piling ko. Hindi ko ata kakayanin pa.





MONTHS PASSED

Two months has passed since our first day of school, and I can say that maraming nagbago sa paligid ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o may nagbago nga talaga?



I understand that super hectic ng schedule namin sa school, pero talagang napansin ko ay bihira nalang kaming magkasama ni Shan. Kahit nga kasi magkapit-bahay kami ay hindi kami parating magkasama, even kung mag-date ay hindi na rin namin nagagawa.



I don't know pero ang alam ko ay busy sila sa mga projects nila at napapansin ko na mas nagiging close si Shan at si Zam, para bang si Zam ang pumalit sa role ko as his best friend. Hindi naman sa nagseselos ako ngunit parang ang weird.



I get that hindi ako sanay na may ibang ka-close si Shan, but Zam is really getting weirder everyday. Yeah, you all know her being an angel, but sa nakikita ko ay lumalabas ang totoong ugali niya. Mabait siya sa lahat, which is totally her ngunit iba ang pinapakita niya sa'kin. It looks like may isang Julie 2.0 na version. Well, of course Julie now is kind and we're good, in fact that close na nga kami.



#TGND2: Best Friend Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon