CHAPTER 24

50 2 0
                                    

Ciara's POV

Katatapos lang ng second subject namin. After our session sa opisina nina Rafael ay saktong pag quarter to nine ay tumawid na kami sa kabilang building and super nakakainis dahil talagang nagklase ang professor namin! Palibhasa, major subject naman din.



Nang nag 10:30 AM ay may klase rin kami at pati na rin sina Shan at Zam, bale break time nila ang pang-first na subject namin. Sa second subject ay nag-discuss konti about contemporary arts and such, since ang subject namin is The Contemporary World, but maaga lang din naman kaming natapos.



"Hay! Buti at natapos na rin klase na'tin," sabi naman ni Patrick at tumingin sa'kin, "Alam mo ba Ciar na pinagalitan ako pag-uwi galing Surigao?"



Napakunot naman ang noo ko, "Bakit naman?"



"Nalaman kasi nila na umiinom ako," natatawang sambit niya, "Hindi ba nga ay Christian Family kami?"



Naalala ko nga pala na Christian ang Family nila kaya bakit umiinom ang isang 'to? "Oh, kasalanan ko ba 'yun kung pinagalitan ka? Bakit ka naman kasi umiinom nun?"



Nag-kibit balikat lang siya, "Wala lang. Trip ko lang at saka marami akong iniisip 'nun kaya napaino ako."



Tumingin naman ako kay Patty na siyang nakikinig, "Hoy, Patty! Bakit hinayaan mong uminom 'to? 'Yan tuloy, napagalitan."



"Hindi naman nagpa-paawat 'yan kaya hinayaan ko nalang din," sabi naman niya kaya napa-iling naman ako.



"Grabe kayo, Christian kayo tapos okay lang?" tanong ko naman at mukhang natigilan nga si Patty nun. Hindi ko alam ang tawag doon pero parang kung ginaganon mo ay pwedeng mamislead sa ibang religion 'yun na okay lang ginagawa nila.



"W-well, yeah. Hindi nga pwede ang ganun. Thanks for reminding me," she said, "Pipigilan ko na siya sa susunod."



"Wow ah, ako pa talaga pinag-uusapan niyo," sabat naman ni Patrick sa usapan at inakbayan pa kaming dalawa, "Dali na at mag-lunch na us. Raf and Paul, sabay na kayo sa amin."



Sabay-sabay na kami sa paglabas ng room and as usual ay marami na namang fans ang isang Patrick Lim. Minsan nga ay mapapaisip ako kung talagang bakla ba 'to o nagpapanggap lang? Hindi kapaniwala na ang isang 'to ay bakla nga?



Pagpasok namin ng school cafeteria ay nahagilap ng aming mga mata si Shan at si Zam na bahagyang nagtatawanan pa.

#TGND2: Best Friend Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon