CHAPTER 27

21 2 1
                                    

Ciara's POV

Weeks passed, still the same. Sobrang busy pa rin namin, pati na rin sina Shan. Minsan ay nag-aaway na kami pero dala lang talaga sa stress namin 'yun kaya ganun. Minsan, pinagseselosan ko na si Zam. OA na kung OA pero alam ko na may mali sa babaeng 'yun.



Ngayon ay nag-meeting kami para sa upcoming big project namin sa Contemporary World sa global exhibit. Mamaya rin ay magkita-kita kaming mga ka-bandmates dahil mamaya ang first meeting para sa planning namin since months nalang ay gaganapin na ang ARC JPIA convention.



Oh, di ba? Stressed na stressed na ako. Stressed na ako sa pag-aaral, sa relasyon ko kay Shan, at sa pamilya ko. Nakauwi na si dad last last week lang galing Manila, though nakakasama ko sila palagi ngunit pakiramdam ko ay malayo ang loob ko sa kanila.



Pakiramdam ko ay may problema sila ni mommy ngayon na ayaw nilang sabihin sa'kin. I get that ayaw nila akong masaktan or what, pero malaki na ako. I also have the rights to know what their problem is. Hindi ba nila naiisip na nasa iisang bahay lang kami? Nakikita ko ang mga galaw nila at minsan ay nag-aaway pa sila ng pa-sikreto.



"About sa country na i-represent natin," napalingon naman ako sa kaklase naming nasa harapan. Excited na rin akong malaman kung ano ang bansang ire-represent namin. Kinuha naman ni Zendy ang papel na nabunot niya sa meeting nila kanina with the teachers, "Ang country na nabunot ko is France."



Nag-hiyawan naman ang mga kaklase ko, even me. Pero napatigil ako nang malamang favorite and dream place ito ni Shan, hometown din ito nung Zam na 'yun. Pero, di bale na!



"Practice na ako kaka-bonjour!" komento ni Patrick at lahat naman ng kaklase namin ay natatawa.



"Ano ba mga kasaysayan sa France?" tanong naman ng lider ng buong section na si Zendy.



"Ewan ko. French kiss lang alam ko e."



"Di ba may foods din? Isa na 'dun 'yung french bread!"



"Oo nga, pwedeng pamalo sa mga makukulit na anak."



"Based tayo sa disney movies!"



Napalingon naman si Zendy non at itinuro 'yun, "Gusto ko 'yun! Disney movies! Pero ... anong movie nga?"



"'Yung Ratatouille!" sambit naman ni Patrick.



Napatawa naman si Zendy, "Hoy, anong gusto mo? Na magluluto? Tapos sino gaganap bilang daga?"

#TGND2: Best Friend Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon