Regalo

8 1 0
                                    

Nagmadali akong hanapin si Andrew. Saan na ba siya at teka teka ba't ko ba siya hinahanap?

Kung hindi ko man siya makita ngayon mas mabuting umalis nalang at bumalik sa school gym.

"Hinahanap mo daw ako" wika ni Andrew.

Nagulat ako dahil pabigla-bigla nalang sumusulpot ang lalaking to!

"Sino nagsabi? At ba't mo alam" tanong ko sa kanya.

"Sabi kasi ni Francis na nandito ka daw sa canteen"

"Hinahanap kasi kita. Saan ka ba nanggaling?"

"Aie concern sa akin oh! Mag gusto ata to sa akin"

"Tumahimik ka nga! Kailanman hindi ako magkagusto sa taong katulad mo! Eww!!"

Umalis na ako at bumalik sa school gym.

Nakasalubong ko si Samantha pero 'di ko na pinansin. Bumalik ako agad kung saan meron ang mga kaklase ko kanina.

Hindi ako nagpahalata na naiinis ako, stilll pinakita ko ang aking ngiti.

"Oh nakita mo na ba ang lalabs mo?" tanong ni Francis.

Si Francis nga pala at siya ang matagal ko nang nagugustuhan ayaw ko lang aminin dahil medyo kahiya-hiya naman. Siya yung taong mabait, may hitsura talaga, magaling sa kahit anong larangan, medyo may pagkapilyo pero hayaan mo na, at higit sa lahat God- fearing. Kaya walang rason na magkagusto ako sa pangit na iyon, ang ibig sabihin ko ay si Andrew.

Teka lang hindi ko pa naipapakilala si Andrew. Ang sama-sama ko na talaga sa kanya no? Si Andrew Manalo ay isang new student na hindi. Bakit? Second Semester last school year na kasi siya nagpakita. Kagagaling lang nila sa isang malayong probinsya at nagdesisyon na tumira dito. Isa din siyang copy ni Francis pero magaling sa sports, magaling sa musical instruments lalo na ang piano, matalino sa Science, at matakaw.

Nakuha ko lahat ng impormasyon kay Clarissa dahil matagal ng crush ni Clarissa ang lalaking iyon.

Clarissa Alejandrino kaklase ko, hindi ko siya gaano naging kaibigan pero close-close din paminsan-minsan. Tahimik lang ang babaeng to, kulot na buhok, at minsan napapagtripan pero kung ano ang ikinulot iyon rin ang ikinatalino ng babaeng to. Consistent Honor to.

Matagal na ring hindi alam ni Francis na may gusto ako sa kanya. Wala akong pinagsabihan pero nakakahalata sila dahil hindi ako makagalaw pag nakikita ko na si Francis lalo na ang ngiti niya, mahihimatay ka talaga.

Wala akong balak na sabihin sa kanya dahil nahihiya ako... Ewan ko ba! Ganito kasi may dalawa kaseng pinagsisisihan dito sa mundo.

Ang una kasi jan ay ang hindi pagtapat ng iyong nararamdaman sa iyong napupusuan. Torpe forever ka niyan. Ikaw pa ata ang magmumukhang talunan.

Ang pangalawa naman ay ang pagsabi ng iyong nararamdaman o nalaman niya na may nanaramdaman ka para sa kanya. Minsan tampulan kayo ng tukso at minsan ay kayo ang pag-uusapan sa klase. At may mga haters din sa tabi-tabi, mahirap na.

Kapag nalaman ni Francis, ang pangkakaibigan namin tapos... Pag hindi ko naman sinabi at patuloy kong kinimkim ang aking nararamdaman patuloy akong aasa at torpe forever.

Ayaw ko si Andrew na pumasok siya sa buhay ko at kayo na ang humusga kung bakit.

Kasama ang aking mga kamag-aral patuloy kaming nag-uusap tungkol sa niluto ko.

"I swear ang sarap ng niluto mo!" sabi ni Francis.

Ayeeee kinilig ako doon na part.

"Tama ka diyan! Hahaha kahit natikman ko ang mga inihanda ng ibang participants, ikaw parin ang may pinakamasarap na niluto." papuri ni besty, Alexa.

"Aie ang sabihin mo matakaw ka lang talaga." sabi ni Francelle

"Wag ganon ikaw naman ah!" angal ni Alexa

Tumahimik at hindi na siya kumibo pa, sila dalawa talaga ang mahilig mang-asar minsan sa isa't-isa kaya nagkakapikunan at napupunta sa away. Buti nalang napipigilan.

Umalis na kami sa gym ng matiwasay, at dala-dala ang mga gamit para ibalik sa canteen. May 4 na canteen kasi sa school. Ang napakalaki kasi ng school campus nay kapasidad ng ilang libong mag-aaral. Sa sobrang laki ng eskwelahan, ang napaghirmang mga kagamitan ay nasa ikatlong canteen na nasa kabilang dako pa at ang layo kung lalakarin.

Katulong ko si Gian sa pagbubuhat ng biglang nagpakita si Francis.

Kinuha niya ang kalahati ng aking dala at binuhat. Hindi ako kumibo sa mga oras na iyon. Sa madaling salita, kinilig ako.

"Ayos kalang?" tanong ni Francis na parang nag-aalala.

"Hindi kanina pa ako di mapalagay sa'yo? Nanjan ka kasi!"

"Huh?"

"Wala! Bilisan na natin kasi ang bigat-bigat na talaga nito." pag-aatubiling sinabi ko.

Nakarating na kami sa ikatlong canteen 14 minutes pagkatapos kami mag-usap. Tumunog na ang bell at magsisimula na ang mga klase.

Mataas ang sikat ng araw at napaka-init ng paligid parang matutunaw ka sa nakakapasong init.

Inaantay ang susunod na guro at parang lalagnatin ka sa sobrang init.

Sa wakas dumating na ang guro sa Filipino at binigyan kami ng free time dahil daw sa init ng panahon.

Tinanong ko si Angelica kung bakit wala si Andrew.

"Bigla nalang daw siya umalis at umuwi na ata. Hindi ko alam kung bakit"

"Ah okay. Salamat"

Hanggang sa dumaan ang mga natitirang subjects at free time lahat. Tinulugan ko nalang ang mga natitirang oras. Natapos narin ang araw at sa wakas makakauwi narin.

Bukas iaanunsyo ang resulta ng mga contests at excited na ako kung sino ang mga panalo.

Binuksan ko ang aking bag para ilagay ang mga gamit na natira sa ilalim ng upuan. Ikinagulat ko na may nakalagay na alkansya sa loob. Isang cylinder na alkansya na kasinglaki lang burador sa pisara at mayroong mabulaklak na dekorasyon na kulay rosas.

May nakasulat din doon na

"Mag-ipon ka para malibre mo ko ulit"

Mahal nang Magmahal NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon