Proper Credit

10 0 0
                                    

Sino ang panalo? Anong technical error? May ganon? Anyare?

"Pasensya na po dahil may technical problem. Hindi po nagtugma ang nakasulat sa papel at ang naging tabulation na ginawa ng mga judges. Kami po sana ay ipagpaumanhin.

"Nagkapalit ang mga ranks kaya pwede pong tanggalin ang mga medalya at pakibalik.

Hayan na naman ang thrilling music at bakit may ganitong error pang nangyayari! Asar naman.

"Ngayon ang Third runner up ng cooking contest is... Sarah Jane dela Cruz"

Iginawad sa kanya ang medalya at kahit papaano natuwa naman siya.

"Okay ang second runner up sa contest na ito ay si..."

Thrilling music na naman.

"Samantha Sabroso!"

Nagulat siya at bakas sa mukha ang dismaya. Sa bagay sino naman ang hindi magugulat sa ganyang resulta. Nanggaling ka sa pinakamataas at bigla nalang kukunin sa'yo. Yan ang tinatawag na pansamantalang pagkakapanalo.

Medyo kinakabahan din ako, pero hinayaan ko nalang kay Lord kung karapat-dapat ba ako o hindi. At kung hindi man palarin ay sana matanggap ko naman. At kung sa iba mapunta ang premyo teka teka lang... Parang di ko ata tanggap ah! Hahaha biro lang. Si Lord na ang bahala.

"Gusto nyo bang malaman kung sino ang 1st runner-up!"

Ang daming naghiyawan. Kung saan-saan at kung meron lang kayo sa kinatatayuan ko baka kabugin kayo dahil sa sobrang kaba.

"Lalagyan natin ng konting thrill. Ang una kong babanggitin ay ang kampyon sa Cooking contest!

"At ang nanalo ay si..."

Tumutulo na ang pawis mula sa aking noo at ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam parang mahihimatay ako.

"Ang nanalo ay si Justin Constencio"

Ohhhh.

"Justin! Thank you and you will recieve a medal and cash of course."

Naku! Natapos din ang kalbaryo at na-flushed away kung baka ang kaba. Pero at least may maiuuwi naman diba.

Tumungin-tingin ako sa kabila o sa kanan man at nakita ko si Sir Gaudencio nakaupo at nagbigay ng thumbs-up.

Kung maaalala niyo pa kung sino si Sir Gaudencio at kung hindi naman basahin niyo ulit para malaman niyo.

Bakas sa aking mukha na ako'y masaya. Sa bagay sino ang hindi sasaya diba?

Nagsialisan na ang mga estudyante at bumalik na sa kani-kanilang mga dilid-aralan para ipagpatuloy ang mga klase.

Of course pagpasok palang tuwang-tuwa na ang aking mga kaklase at kung anu-ano pa ang kanilang mga sinasabi.

Lalo na si Francis na todo ngiti pa. Sa totoo lang, sa kanya ko naman inialay ang aking pagka-first runner-up.

Hayan sa wakas natanggap ko na rin ang premyong nararapat sa akin. Thank you Lord!

Natapos na nga ang Awarding Rights at nagpa-picture taking pa with the administrators, teachers pati na rin wacky sa aking mga kaklase.

Nilapitan ako ni Francis at nag-congratulate sa akin.

"Congratulations Amelia, para sa akin ikaw ang panalo" papuri niya sa akin.

Ang cute ng kanya papuri. Kinilig ako dun ng sobra. Kung alam niya lang na siya talaga ang gusto at hindi yung Andrew na yon.

Kung matatandaan ko pa last school year, kami yung laging magkasama. Yung kada dismissal lagi kaming pumipirmi sa Pero sa kasawiang palad iba ang gusto niya at hanggang kaibigan lang kami ni Francis.

Si Kaye, isa sa mga kaklase ko at ang napupusuan ni Francis. Hanggang sa ngayon MU sila, as in Mutual Understanding. Kami din ni Francis may MU rin...

May Malabong Ugnayan...

Kung matapang lang ako na sabihin sa kanya ang mga saloobin ko siguro magiging MU din kami, yung Mutual Understanding hindi yung malabong ugnayan sa isat'isa.

Oo nga pala si Kaye Tolentino ang crush ni Francis. Siya yung napupusuan ni Francis. Ang swerte niya noh? Pero kahit papaano kuntento na ako nahanggang friends lang ang estado namin.

Okay ang OA ko na pero ang totoo talaga mas mabuti ng manhid kaysa tanga. At higit sa lahat mas mabuting makuntento kung anong meron ka kaysa ipagsiksikan, panghimasukan at may balak na sirain ang buhay niya. Dahil hindi mo alam hindi lang buhay niya ang naapektohan pati ikaw. At dahil sa kahibangan, sinisira nang unti-unti ang buhay mo.

May kakilala akong ganyan at no need to mention her name.

At wakas ay nabunutan ng tinik at makakauwi na rin talaga!

Oo nga pala nakalimutan ko! May kailangan pala kaming i-submit sa Monday ang 2 by 2 pic! Bakit?! Kailangan pa ba yan?!

Nakakainis naman! Pero hayaan niyo na, requirement kasi eh!

-----♥$♥$♥-----

Sabado na ngayon at ngayon ko din napag-isip-isip na magpa-picture para sa 2 by 2.

Habang nasa photo shop, nagpapaganda at para naman magmukhang kaaya-aya naman ang retratong ipapasa ko.

Snapshots at sinabayan ko ng isang cute na ngiti. Nakakabighani talaga! Okay... Nakuha agad ang retrato at yes... May maipapasa na ako ngayong lunes!

Ang aga naman para umuwi kaya naisipan ko na bumili naman ng mainom at makain.

Habang nagwiwindow shopping sa buong gusali, natatandaan ko pa nung kami ni Francis laging magkakasama... pero madami kami. Hindi ko pa naranasan na kami lang dalawa. Wala pa ata? Teka try ko i-recall.

Wala talaga. Ah meron pala nung meron kami sa isang store na parang lang sa mga babae. Ewan ko ba ba't nakapasok yun. Wala pa si Andrew nung time na yun. Francis pa ako noon at hanggang ngayon.

Well, nahiwalay kami sa grupo dahil tingin ng tingin kami sa mga paintings at artworks na nakaposisyon sa Atrium ng mall. Hindi na namin namalayan na inowan na pala kami.

Pagkatapos sa art gallery, nakakagulat lang dinala ako ni Francis sa isang shop products exclusive for girls. Hindi ko alam ba't niya ako dinala doon. Oh my ang cute ng ngiti niya nung pumasok kami doon. At sinabi ang katagang...

"Pag nagka-girlfriend ako, bibigyan ko siya ng dress... Mas maganda pag reregalohan ko nalang siya."

Sana ako yung GF niya. Madami ng nanligaw sa akin pero binalewala ko dahil Francis ako!

Sa bagay sino naman ang may gusto sa lalaking sabog ang pagmumukha at parang nakasinghot ng solvent at naglakas loob na manligaw sa akin.

Kinilig ako sobra ng sinabi niya ang mga katagang iyon. Mas nakakagulat naman nung namili siya ng mga damit. Natawa talaga ako nun nang sobra!

Mahal nang Magmahal NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon