Walang Sukli

10 0 0
                                    

Kinabukasan, ang mismong araw ng cooking contest at naramdaman ko naman ang kaba ngunit ang mga nangyari kahapon ay hindi na naging sagabal sa akin.

Ikakansela ang dalawang periods bago mag-lunch time para sa contest. Ilang oras bago magsimula ay naging kalmado na may konting kabang nararamdaman. Hindi ko pa rin pinapansin si Andrew dahil hindi naman siya lumalapit. Ano FC lang?

Mas nagmukha akong masayahin at parang walang nangyaring masama kahapon. Sa bagay wala namang makakapansin dahil kami lang ni Andrew ang nakakaalam.

"Ahm! Galingan mo mamaya ha." sabi ni Francelle.

"Patikim sa iluluto mo mamaya ha!" wika ni Clarissa.

"Anong lulutuin mo nga?" tanong ni Francelle

"Ay! Huwag mong kalimutan magsaing! Mga dalawang kilo" nang biglang sumapaw sa usapan si Alexa

"Ok ok..." isang hesistated response ko sa kanila.

"Matalo o manalo kakainin ko yang luto mo" pagmamalaki ni Alexa.

"Sabihin mo matakaw kalang talaga. Pero kahit matalo kaman ayos lang." sabat ni Francelle.

Mas naging pamanatag ang kalooban ko sa kanilang mga payo't papuri.

"Salamat guys! I'll do my best!"

Tumunog na ang school bell hudyat na magsisimula na ang cooking contest. Hindi kami nagkausap ni Andrew siguro dahil sa mga nangyari kahapon pero dapat magpasalamat ako sa kanya.

Tulala lang siya sa isang tabi. Parang nasa pagitan ng antok at kalungkutan oo parang ganun na talaga. Nilapitan ko siya para maisabi ko sa kanya ang aking pasasalamat.

"Uie! Andrew! Gusto kong magpasalamat sa lahat na ginawa mo kahapon."

"Ayos lang. Gentleman ako eh!" sabi niya.

"Tikman mo luto ko mamaya. Bilisan mo ha bago pa maubos ng iba."

Sa pag-uusap naming iyon, biglang nawala ang pagod at lungkot na kanyang nadarama. Ikinatuwa ko naman ang resulta at hindi ko siya crush.

Tumunog na naman ulit ang school bell at tinawag na ng emcee ang lahat ng kalahok at magsisimula na ang programa sa susunod na 18 minuto.

Hinanda ko na ang mga ingredients dahil gagawa ako ng sinigang na bangus na may puso ng saging.

Dinala ko lahat ng mag-isa at walang nag-atubiling tumulong sa akin. Medyo nainis pero pinabayaan ko agad. Nakita ko ang ibang kalahok sa iba't-ibang sections na bitbit ang mga naglalakihang supot.

"Mukhang may magluluto ata ng pakbet dito. Hmmm meron ding caldereta at chop suey." biglang pumasok agad sa isipan ko.

Habang inaantay na magsimula ang cooking contest , iniwasiwas ko ang aking mga kamay naitaboy lamang ang naglipanang mga langaw. Wala pang tao sa katabing mesa ng biglang may babaeng nagmamadaling pumunta sa bakanteng mesa at ang takbo ay paramg nasa catwalk at pawang rumarampa.

Noong nagsalita na ang babae ay doon ako nagulantang dahil ka-boses niya ang babae na may gusto kay Andrew. Kung matatandaan niyo pa siya yung handang magpatayan para kay Andrew at nag-iwan pa ng banta. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na bakit siya ganoon kasama at kawawa naman yung nagustuhan ni Andrew dahil may kontrabidang pinagmamalaki ng lahat na sasapaw sa kanila.

Hindi ko na siya pinansin kundi inantay ko nalang na magsimula ang program dahil tatlong minuto nalang magsisimula na ang paligsahan.

Nagsimula na ang opening exercises at nagsalita sa harap ang isang guro sa TLE na ikinabagot namin. Hindi nagtagal ay umalis na siya sa kanyang kinatatayuan at hinudyat na ng emcee na magsisimula na ang paligsahan sa loob ng 3... 2... 1

Mahal nang Magmahal NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon